Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, June 2, 2008

Diether Ocampo has moved on after breakup with Kristine Hermosa



Tinuldukan na ng aktor na si Diether Ocampo ang usapin sa isyung hiwalayan nila ni Kristine Hermosa.

"We're not together anymore. Hindi rin kami nagkabalikan. At this point, medyo mahirap. We're moving on," malinaw na pahayag ni Diether sa first part ng month-long celebration ng ninth anniversary celebration ng Sunday showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN, ang The Buzz.

TREK TO REMEMBER. Nakapagdesisyon na rin si Diether na it's about time na bigyan naman daw niya muna ng panahon ang kanyang sarili. Kasabay nito ang pagiging abala niya sa kanyang Kids Foundation bago magsimula ang pasukan sa eskuwela. Last week ay nanggaling si Diether sa Banaue, kung saan namigay siya ng school supplies.

"Kababalik ko lang," sabi ni Diether. "Galing kami sa Banaue, Ifugao dahil may project ang Kids Foundation, ang 'Trek to Remember.' So, bago magpasukan, nagdala kami ng mga school supplies para sa mga naninirahan sa bundok. Sa Benguet yung last year. ‘Tapos for this school year, sa Banaue naman kami."

Tinanong ng host ng The Buzz na si Boy Abunda sa Diether kung meron siyang dadalhin na babae sa famous Rice Terraces sa Ifugao. Sino yun at bakit?

"Probably my mom. Bukod sa mom ko? Naku, mukhang marami-rami!" tawa ni Diether.

"Bukod sa nanay ko, depende 'yan kung sinong gustong sumama. Yun ang tanong, e."

HEART ON REST. Nabanggit din sa usapan ang tungkol sa cover girl ng UNO magazine na nababalitang dini-date ngayon ni Diet.

"Hindi," tanggi ni Diether. "Naging kaibigan ko ‘yan. Siya ang naging cover model namin for March issue. Pero ano siya, girlfriend siya ng mabuting kaibigan ko. Walang katotohanan yun."

Sa ngayon daw ay pahinga muna ang puso ni Diether.

"Alam ninyo, sa totoo lang, napansin ko, the more na naghahanap ako, siguro nagbabakasakali na merong makilala, wala talaga, e. Mailap," saad ni Diether.

Napagod daw kasi ang puso niya sa huling karelasyon na si Kristine.

"Medyo naka-tatlong taon din ako," sambit niya.

Pero hindi naman daw nangangahulugan na totally out na sa puso niya si Kristine.

"Mananatili si Kristine [sa puso ko]. Hindi siya basta-basta mawawala dahil nung panahon na pinuhunan namin pareho, hindi natin puwedeng balewalain dahi talaga namang sineryoso rin namin yung pinagsamahan namin."

GETTING BACK TOGETHER. Hindi naman niya masagot ang tanong ng possibility na magkakabalikan sila ni Kristine.

"Sabihin ko man ngayon na hindi, wala nang pagkakataon. But what if, di ba?"

Wala na rin daw silang komunikasyon ni Kristine ngayon.

"Katulad today, today lang kami nagkita dahil sa anniversary ng Star Magic."

Kinumusta rin ni Boy kay Diether ang muling paghaharap nila ni Kristine pagkatapos ng medyo natagal na hindi nila pagkikita. Inamin niya na pareho silang naging emosyonal ni Kristine.

"Medyo emosyonal nga, e. Sa tuwing nagkikita kami, medyo emosyonal. Parang wala kaming nabanggit na kahit na ano doon sa mga pinagdaanan namin na mga issues. Pero nung nagkita kami, parang may pananabik na parang, ‘Kumusta ka na?' But we're both happy na may mga magagandang nangyayari sa amin as individuals. Siguro masasabi ko nag-mature kami pareho," lahad niya.

Mahirap naman para kay Diether na sabihin kung anong klaseng babae ang maaari niyang ipalit o isunod kay Kristine.
"Yun ang mahirap," aniya. "Well, masasabi ko nakapag-move on ako kahit papaano. Pero hindi madali yung proseso na pinagdadaanan ko ngayon. I‘m sure si Kristine ganun din, e."
Sa ngayon, focus si Diether sa kanyang career. Pagkatapos ng Maligno, nagsimula na siya ng bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang with Claudine Barretto, Susan Roces, Laurice Guillen, Angelica Panganiban, at si Gabby Concepcion sa direksiyon ni Ruel S. Bayani.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes