Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Thursday, June 26, 2008

Boy Abunda admits Ai-Ai delas Alas "indirectly" involved in Kris-James fight


Nagsalita si Boy Abunda sa napabalitang hiwalayan ng kaibigan at co-host niyang si Kris Aquino at ng asawa nitong si James Yap. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Boy sa launch ng bago niyang product endorsement na "Boy Abunda For All Sexes" ni Joel Cruz ng Aficionado German Perfume na ginanap sa SM San Lazaro kahapon, June 25.

"Hindi totoong hiwalay sina Kris Aquino at James Yap," pauna ni Boy. "Tatanggapin ko ulit, I mean, ‘Krissy, I'm sorry but I will talk para lamang malinis natin ang mga kuwento-kuwento.' Nag-away sina Kris at James, pero nung lumabas ang balita, tapos na ang kuwento, nagkabalikan na, at nagbati na."

Bakit ngayon lang lumabas na nagkahiwalay pala for a while sina Kris at James?

"Bakit namin itinatahimik ang mga kuwentong ganito?" balik-tanong niya. "Dahil in deference sa kalagayan ni Tita Cory [Aquino], ang ina ni Kris. Kaya hindi maingay ang buhay ni Kris at saka ni James. Kung nag-away man sina Kris at James, personal." (Na-diagnose na may colon cancer ang dating pangulo.)

"Uunahan ko na kayo, totoong umalis sa bahay si Kris," patuloy ni Boy. "Pumunta siya sa Discovery Suites for a number of days, pero nagkaayos na po, nagkabati, nag-uusap, magkasama na ulit at nagbabalak pumunta ng abroad ang dalawa ng tatlong linggo."

AI-AI DELAS ALAS MOVIE. Bakit sila naghiwalay?

"Okey, tatlo raw sabi sa akin kanina," sabi ni Boy. "Third party, hindi po totoo. May isa pang dahilan na ibinigay, that Kris is a brat? Dyusko naman, in fairness to the girl, she doesn't deny that she is a brat, but she has evolved into who she is today. Malayo na ang nararating ni Kris.

"Si Ai-Ai [delas Alas] indirectly, yes, may kinalaman. Ganito po lamang yung paliwanag. Isang araw nag-guest si Wenn Deramas at si Ai-Ai sa Boy & Kris [morning talk show hosted by Boy and Kris]. On the spot, live on air, sinabi ni Wenn, ‘Kris, I'm doing a movie called Ang Tanging Ina ng Bayan [Ang Tanging Ina Ninyong Lahat]. May isang eksena, we open the movie with a very important scene na sa aking palagay na ikaw lamang ang makakagawa. Can you do it?'

"On the spot, sinabi ni Kris, yes. Bakit? Si Wenn Deramas ay...when he was executive producer of Calvento Files, he met the young Kris Aquino at doon nag-umpisa ang pagiging magkaibigan nilang mabuti. Naging umpisa yun kung bakit nalipat si Kris mula Channel 7. Hindi ko sinasabi na yun ang dahilan, isa sa mga dahilan, kung bakit lumipat si Kris mula Channel 7 papuntang Channel 2. Nag-meeting si Kris.

"At nung lumipat na si Kris sa ABS-CBN, nagkaroon ng pagkakataon na nakatrabaho ni Kris si Wenn. They worked together and then became good friends. And, isa sa mga dahilan kung bakit hindi puwedeng tumanggi si Kris kay Wenn Deramas.

"Ai-Ai is a good friend of Kris, but it was Wenn who asked Kris," diin ni Boy. "But also Kris will not say no to a friend. Mahalaga para kay Kris Aquino ang pagiging magkakaibigan, alright. So, on the spot sa Boy & Kris, ‘Yes, I will do it.'

"Ayaw ni James, nagalit si James. Krissy, forgive me for saying this. Ayaw ni James because merong diperensiya si Ai-Ai at si James," pag-amin ni Boy, na manager din ni Ai-Ai.

Malinaw na hanggang ngayon ay may gap pa rin si James at Ai-Ai na nagsimula noong kasagsagan ng James-Hope Centeno controversy, kung saan nagbiro si Ai-Ai kay Kris na, "Isoli mo muna si James sa nanay niya."

"Ayoko na idetalye yun, dapat tapos na ‘yon," sabi ni Boy. "Dapat tinuldukan na natin yun. Basta at a certain point in their life, hindi sila... Because Ai-Ai came out to stand by Kris, di ba? During those dark moments, lumabas si Ai-Ai at pumuwesto siya sa tabi ni Kris at hindi ‘yan ikinatuwa ni James, at naiintindihan ko si James.

"Bakit sumama ang loob ni James kay Kris? Dahil ang feeling ni James, sa mga desisyong paggawa ng pellikula, bilang asawa, isinasama siya. Tama naman siya doon, di ba?

"At hindi ko rin masisisi si Kris dahil bilang kaibigan, Kris will do it for Ai-Ai, Kris will do it for Wenn. But when they realized na yun nga, nagkakagulo at nagkakaproblema, tinawagan ni Kris ang mga dapat tawagan na hindi niya na gagawin kung magkakaproblema rin lang ang kanyang marriage. Kaya totoo na, indirectly, may kinalaman si Ai-Ai, kahit hindi mismo si Ai-Ai directly ang may kinalaman.

MARRIAGE COUNSELING. "Pero eto lang, i-set natin ang record, hindi po naghiwalay. Nag-away, nagpalamig, nagkabalikan, nagkaayos na. And right now, para wala nang tanong, they are into marriage counseling. Why? Because James and Kris want to know each other better. Alam ng mga mag-aasawa po ‘yan na ang pagsasama is a journey. They want to know each other. Gusto nilang ayusin at mapatibay ang kanilang relasyon. But it was not a perfect marriage. Whose marriage is perfect, anyway?"

Hindi ba't nabalita rin noon na nagpa-marriage counseling sila after magkabati dahil sa unang hiwalayan nila nung ipinagbubuntis pa lang ni Kris ang bunsong anak na si Baby James?

"No, nag-umpisa na," paglilinaw ni Boy. "Pero mas pursigido sila, si Father Jun Siscon pa rin. Mas pursigido sila ngayon. Katulad halimbawa the other day, Kris was talking to me about making decisions as a couple, yun yung mga natutunan niya ngayon na may mga desisyon na dapat talagang pinag-uusapan ng dalawa, di ba?

"Pero I will be surprised about it dahil wala namang kamuwang-muwang si Ai-Ai sa mga kaganapang ito. Kaya magdadagdag ako dahil ako naman ang manager ni Ai-Ai. Kung tatanungin ninyo today si Ai-Ai about all these things, sasabihin niya, ‘I still stand by what I said. Kaibigan ko si Kris and I take the side of Kris.' Ganun lang kasimple yun.

"Pero umaasa ako na isang araw, mapag-usapan din ‘yan at magkabati [sina Ai-Ai at James]. Dahil wala naman silang pinag-awayan. Kumampi lang naman si Ai-Ai kay Kris."

WHO MADE THE FIRST MOVE? Pagkatapos ng ilang araw sa Discovery Suites ay bigla na lang daw nagdesisyon si Kris na bumalik na sa bahay nila ni James sa Pasig.

"Wala, natapos lang," sabi ni Boy.

Sinuyo ba ni James si Kris?

"Nagpalipas lang ng sama ng loob. Di ba kasi kapag mainit kayong dalawa, walang mangyayari?"

So, si Kris ang nag-give in?

"Does it matter? I don't think it does, no," sagot ni Boy.

Sa pagkakaalam ng marami, napakalakas at napakatapang ng personality ni Kris kaya nabuo sa isipan nila na hindi siya basta-basta makikipagkasundo, lalo na't alam niyang nasa tama siya. At para sa isang ‘tulad ni Kris, mataas din ang expectations sa kanya pagdating sa mga decisions in life.

"No, James also is a strong person," pagtatama ni Boy. "In a marriage, dapat bigayan yun... Ayoko nang palakihin kung sino ang nanunuyo, but nakita ko si James nandun na sa set ng Boy & Kris. They started to talk. Who made the first move, I really don't know. They have babies, they have children. Regardless who made the first move, maayos silang nag-uusap ngayon at masaya.

"Pero tinatanggap ko, totoo, nag-away. Well, umalis ng bahay. Pero nagkaayos, nagpalamig, at away. Pero okey na sila ngayon," diin ng manager at TV host.

Sa gitna ng isyung ito, aware ba ang ina ni Kris na si ex-President Cory Aquino?

"Kaya nga kami tumatahimik, hindi katulad noon na 'pag bawat kilos ni Kris lumalabas at napapag-usapan. Napansin ninyo, lumabas ang balitang ito, tapos na ang kuwento. Ngayon alam na dahil nagsasalita ako."

PEACE BETWEEN AI-AI & JAMES. Wala bang effort si Kris na pagbatiin sina Ai-Ai at James?

"Wala pa, dapat kami may effort, pero hindi napipilit yun, e. Dahil maninindigan naman si Ai-Ai sa kanyang sinabi na naninindigan ako kung anuman. Ako, I'm speaking as a manager, kung anuman ang namutawi sa aking bibig, paninindigan ko ‘yan because I did it for Kris, my friend."

May nagsabi naman na parang napakababaw naman daw ni James para awayin si Kris sa isang proyekto na gagawin niya para sa kanyang kaibigan.

"Ayokong mag-judge," iwas ni Boy. "Ayokong magsabi kung sino ang mababaw at sino ang malalim. We are involved in relationships, so kung maayos, okey ako."

Final na raw ang stand ni Kris na wala muna siyang project na gagawin na makakasakit sa damdamin ni James, and for sure, maiintindihan ito nina Ai-Ai at Direk Wenn.

"Dadagdagan ko ‘yan, may mga bagay na mas mahalaga sa project," sabi ni Boy. "At isa na dito ang pamilya, ang pag-aasawa. Kasi hindi naman ‘yan choice, e, between your marriage and a movie project. ‘Wenn, Ai-Ai, I will understand if Kris wouldn't be able to do it.'
"Pelikula lang ‘yan. Maiintindihan namin ‘yan kung ang nakasalalay naman ay ang katahimikan ninyo sa bahay. It's not even a debate. You know your choice. Pero yung pipilitin natin si James at si Ai-Ai na magtagpo ngayon, huwag muna. I mean, maaayos din ‘yan. Dadating din ang araw na maaayos ‘yan. Bakit kamo, emosonal yun, e. ‘Hindi ko makakalimutan at one point, kinampihan mo ang asawa ko.' And I don't blame James, but neither will I blame Ai-Ai," pagtatapos ni Boy.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes