Nagsalita na ang tinaguriang "Optimum Teleserye Queen" na si Claudine Barretto sa isyung ibinabato ng manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo kahapon, June 1, sa The Buzz. Kasabay ng selebrasyon ng ninth anniversary ng The Buzz at 16th anniversary ng ABS-CBN Star Magic, finally ay sinagot na ni Claudine ang akusayon ni Alfie sa panggagamit niya diumano kay Judy Ann sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.
"Actually, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kasi kapag nagkikita kami ni Tito Alfie, okey kami, e. Parang walang problema. I don't know kung saan galing ito. Masakit yung sinasabi niya na ginagamit ko si Judy Ann because pinaghirapan ko naman kung ano meron ako. Kung anumang talento meron ako ngayon, bigay ng Diyos yun. Pinagbubuti ko. Wala akong tinatapakan na tao," pahayag ni Claudine.
Mismong si Claudine ay nabasa raw ang mga artikulong isinulat ni Alfie tungkol sa kanya.
"Dati hindi ko ginagawa 'yon, pero ngayon ginagawa ko because kailangan para maging stronger ako. Para alam ko kung paano ko dedepensahan ang sarili ko kapag inaatake ako and I... Hindi ko every day nababasa, pero may mga time na pakonti-konti nakikita ko yung mga isinusulat.
"Hindi ko po ginagamit si Judy Ann," patuloy ni Claudine. "She's already a star. She's an actress. Iba siya, iba ako. Ang maganda sa relationship namin ni Judy Ann, ni minsan kahit na nagtatrabaho kami here sa ABS-CBN at Star Cinema, wala siyang kinuhang project that belong to me. At wala rin akong ginagawang proyekto para sa kanya."
Pinaghihiwalay raw ni Claudine ang propersyonal at personal na pakikitungo niya kay Judy Ann. Sa huling pagkikita nila ni Judy Ann ay nagpalitan pa nga raw sila ng cell phone numbers.
Ano kaya ang dahilan at pilit silang pinagtatapat ni Judy Ann?
"Yes, siguro.... I don't know kung bakit ganito? To spice it up? Para maging maingay? Pero maraming paraan para maging maingay na hindi kailangan na may tinatapakan ka'ng tao," saad niya.
Before Claudine's interview sa The Buzz ay nauna nang nagbigay ng official statement ang Star Magic sa publiko tungkol sa mga sinulat ni Alfie sa paggamit diumano ni Claudine sa tinagurian Young Superstar kahit hindi naman daw niya ito hinihingi.
"Because talagang nandiyan sila," giit niya. "Yung relationship namin is that kahit... Alam ninyo, ang tagal kong walang kontrata. Wala akong kontarta sa Star Magic. Wala pang Star Magic, wala pang Talent Center, Ang TV pa lang, si Mr. M [Johnny Manahan] na. Pero anndito pa rin ako sa kanila."
BUSY CLAUDINE. Abala ngayon si Claudine sa bago niyang proyekto sa ABS-CBN, ang teleserye na Iisa Pa Lamang kung saan kasama niya sina Susan Roces, Diether Ocampo, Laurice Gulllen, Angelica Panganiban, at Gabby Concepcion.
"Hanggang ngayon, actually, five days na akong walang tulog na diretso mula nung nagsimula kaming mag-taping dahil unang-una, parang iba yung oras ko. Natatapos ako ng umaga na. Mga 24 hours, 26 hours kaming nagte-taping kasi pilot," lahad niya.
Sa unang pagkakataon ay nakatrabaho naman ni Claudine si Gabby.
"Masarap ang feeling kasi sobrang motivated din siya," sabi ng aktres. "We're all eager to learn more. ‘Tapos si Gabby, napaka-ano naman, gentleman. Napakabait at focus talaga siya sa career niya. Masaya ako kasi sobra akong grateful because napunta sa akin yung proyekto na comeback ni Gabby."
Kamakailan ay may ginawa rin ng campaign ad si Claudine para sa tinutulungan nila ng asawang si Raymart Santiago na institusyon, ang Caritas. Hindi raw tumanggap ng anumang kabayaran dito si Claudine at Raymart.
"Ay, oo naman," sambit niya. "That's something to really help people. Inspiration talaga namin ni Raymart yun, si Sabina and si Santino. But most especially to Sabina kasi we want to instill values. Gusto naming mag-leave ng legacy na hindi ka lang artista, hindi lang star. You can help. Binigyan ka ng power ng Diyos to touch people lives," pahayag ni Claudine.

Source: PEP
No comments:
Post a Comment