Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Thursday, June 26, 2008

Toni Gonzaga talks about the actors who were linked to her


Huling napanood sa big screen si Toni Gonzaga sa My Big Love ng Star Cinema. Yearly lang daw talaga kung gumawa siya ng movie dahil napakarami pa niyang ibang ginagawa, tulad ng paghu-host sa Pinoy Big Brother noon at ngayon naman ay sa Pinoy Dream Academy. Hindi rin puwedeng isantabi ang kanyang singing career.

After ng My Big Love, may nakaplano na raw siyang movie na gagawin, still under Star Cinema. Pero ayon kay Toni, hindi pa raw puwedeng i-divulge ang details ng next movie project niya dahil hindi pa sila nagsisimula. Ang kinumpirma lang niya ay si Vhong Navarro na naman ang makakatambal niya rito.

"Siyempre, obvious, comedy!" natatawa niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yun ang gusto ng Star at saka okey rin sa akin dahil parang reunion movie ulit naming dalawa ni Vhong."

PIOLO PASCUAL. Kung mapapansin, among the young actors ng ABS-CBN, isa sa mga unang na-link o nag-open-up na may gusto sa kanya noon pa man ay si Piolo Pacual. Pero never na nag-materialize ang movie na silang dalawa ang magkasama. PEP asked Toni kung ano kaya ang posibleng dahilan nito.

"E, siyempre, maraming changes. Maraming bago. May bago na siyang love team ngayon, which is okay lang din naman yun. Ganoon talaga sa showbiz. Kaya kung hangga't hindi pa finalized ang project, ayoko munang pag-usapan. Kasi, di ba, maraming changes na nangyayari?" saad ni Toni.

Hindi raw naniniwala si Toni na parang may pumipigil na magkasama sila ni Piolo sa isang pelikula.

"Wala naman," sabi niya. "Ako kasi, sa tingin ko, everything happens for a reason. Wala, okey lang sa akin kahit matuloy or hindi matuloy kasi lahat naman yun, may right timing. Siguro nga, baka hindi pa lang ngayon ang time. Pero who knows, di ba?"

SAM MILBY. Ayaw niya rin sabihin na tapos na ang team-up nila ni Sam Milby after being paired sa ilang movies, na pawang kumita naman lahat.

"With Sam, hindi ko alam, e. Siyempre depende naman yun sa Star Cinema at saka kung ano ang magugustuhan ng mga tao."

Wala rin daw problema sa kanya kung kay Anne Curtis na talaga ipinapareha ngayon si Sam.

Ani Toni, "Sanay na rin naman ako sa ganoon. That's showbiz. That's really how it is. Wala akong hard feeling towards anybody. Nakakatrabaho ko rin naman sila. Nakakasama sa ASAP, so no hard feelings about that."

LUIS MANZANO. Bukod sa kanyang real-life boyfriend na si Paul Soriano, hindi maitatanggi na malapit din sa puso ni Toni si Luis Manzano. Kuwento ni Toni, hanggang ngayon daw ay dumadalaw pa rin si Luis kapag may taping siya sa Pinoy Dream Academy.

"Si Luis, bumibisita pa rito minsan. Siyempre, nag-PBB kasi siya. Siyempre, nakatrabaho na rin niya kami. Basta si Luis, palaging parte ‘yan ng buhay ko at kaibigan ko na talaga si Luis."

Maagap naman ang sagot ni Toni nang hingan namin ang komento niya na isa siya sa mga babeng ipinakilala ni Luis sa pamilya nito, na pinanghihinayang ng young TV host-actor.

"Ay naku, parang hindi!" sambit ni Toni. "Tingin ko kasi kay Luis, ever since, ibang klaseng tao ‘yan. Si Luis, kahit kailan, ipagtatanggol ko ‘yan. Kasi iba yung napatunayan niya sa akin. Si Luis siguro yung sa lahat ng na-link sa akin ang masasabi kong iba."

Alam daw ni Toni ang pinagdaanan ni Luis nang manligaw ito sa kanya at mauwi rin sa wala. Pero dahil din dito kaya mas lalong napalapit sa kanya ang binata.

"Alam ko naman yun," ulit ng dalaga. "Alam ko naman ang mga moments na yun sa amin. But what's good with Luis is that he's man enough to accept everything. At saka iba, iba si Luis, magaling siyang mag-handle."

Although may kanya-kanya na silang love life, aminado si Toni na hindi naman daw nila hawak ang future.

"Siyempre, hindi naman natin masasabi kung ano talaga ang mangyayari. Ako rin naman, ayokong sabihin na hindi at ayokong sabihin na oo. Hindi naman natin masasabi kung ano ang mangyayari in the future. Basta right now, masaya kami sa estado ng buhay namin sa isa't isa, sa personal naming buhay. But still nga, hindi natin masasabi at the end pa rin," pahayag niya.

ALEX GONZAGA. Aware si Toni sa ilang comments na parang ginagaya ng younger sister niyang si Alex Gonzaga ang style niya sa pagku-comedy. Para kay Toni, understandable yun dahil magkapatid nga sila.

"Siguro, hindi maiiwasan yun dahil magkapatid kami. ‘Tapos, pareho rin yata kami ng tinatahak, or pareho na dahil comedy rin. Pero yung sa kanya nga lang, full blast na comedy, which is hindi ko naman kayang gawin," paliwanag ni Toni.

Naniniwala si Toni na mahirap ang pinagdadaanan ng kapatid niya ngayon.

"Mahirap yun for her. Bago, bata...nagta-try sa industry. She will always be compared under my shadow. Parang palaging nasa anino ko. At palagi ko lang sinasabi sa kanya, tutal ang tagal ko rin naman bago napansin sa industriya... It took me seven, eight years bago ako mabigyan ng biggest break.

"So you just have to prove your worth sa industry na ito. Yun ang isang bagay na natutunan ko. You don't have to give up at saka tatagan mo lang [ang sarili] sa mga criticism. Hayaan mo lang yun. I-take mo ang iba as contructive at i-take mo naman ang iba na dumadaan lang sa isang tainga at lumalabas naman sa kabila. Pero yung may mga points, tandaan mo yun."

Kilala si Toni sa pagiging very supportive pagdating sa kanyang pamilya. No doubt na kung suporta rin lang ang pag-uusapan ay maibibigay niya yun sa kapatid. Pero para kay Toni, magkaiba pa rin sila ni Alex in so many ways.

"Magkaibang-magkaiba kami, e. Siyempre, may resemblance lang sa akin kasi magkapatid kami. Ako ang nakikita niya, so pareho. Pero eventually, I'm sure magkakaroon din siya ng chance na maiba.

"Sinasabi ko lang na huwag siyang magpapadala sa agos ng showbiz, i-maintain niya yung values niya kung sino siya. At saka huwag niyang kakalimutan yung mga taong mahalaga sa buhay niya. Yun lang, huwag siyang magbago. Yun lang ang secret," pagtatapos ni Toni.


Source:PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes