Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, June 23, 2008

Toni Gonzaga talks about one-year relationship with Paul Soriano


Right after Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus ay diretso na si Toni Gonzaga sa paghu-host ng Pinoy Dream Academy (PDA) Season 2. Tatakbo rin ang PDA for three months and after that, hindi pa klaro kay Toni kung ano ang susunod niyang gagawin na show sa ABS-CBN.

Sa ngayon, lumuwag na ang schedule ni Toni at nagkaroon na siya ng time para mas madalas na silang magkasama ng kasintahang si Paul Soriano.

"Oo, mas may time na ngayon," bungad ni Toni nang sadyain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping niya ng PDA. "Pero hindi naman kami araw-araw. Depende lang ‘pag may free time rin siya dahil may trabaho rin siya. Kumakain lang, nanonod ng sine, kasama ang family ko. Last movie na pinanood namin, Kung Fu Panda. Kasama rin namin ang family ko pati mga tita ko."

FIRST ANNIVERSARY. Noong June 15 ay nag-dinner naman daw sila ni Paul with Toni's family para sa selebrasyon ng 25th wedding anniversary ng mga magulang ng TV host-actress. Saka namin tinanong si Toni kung kailan naman ang anibersaryo nila ni Direk Paul.

"Etong month na ‘to, one year na kami," masayang sabi ni Toni.

Paano sila nag-celebrate?

"May PBB noon, e. So, pagkatapos na pagkatapos ng PBB, nag-date kami. Kasama ko yung mga kapatid niya. Nagpunta kami sa bahay nila sa Alabang. Nag-celebrate kami. Kaya lang napunta doon para to spend time with the family. ‘Tapos ayun, may mga gift to each other," kuwento ni Toni.

Ano ang mga regalo nila sa isa't isa?

"Niregaluhan niya ako ng Tempur. Basta mahal na pillow yun, e. Hindi siya ordinary na pillow. Para ‘pag natulog ka, mahimbing ang tulog mo. Kaya lang, medyo mahal. Nakita namin yun sa Shangri-La."

Ilang unan ba ito?

"Isa lang naman," ngiti ni Toni. "Hindi naman sobrang mahal. Pero para kasi kung ako, hindi ko bibilhin. So, binili niya sa akin. Kasi hindi niya alam kung ano ang ireregalo sa akin kasi marami na raw akong gamit."

Ano naman ang ibinigay niya kay Paul na regalo?

"Nagtipid ako. Ginawan ko lang siya ng memorabilias. Isang scrap book."

Nag-effort daw si Toni sa kabila ng kanyang pagiging abala.

"Oo, ‘no?" pagmamalaki ni Toni. "Ten hours ko 'ata pinagbuhusan yun. Oo, ang hirap-hirap. Para akong gumagawa ng project sa school!

"Pero worth it naman dahil ‘pag tinitingnan mo yung pictures, like nung nagkakilala kami, 'tapos mga souvenir. Yung mga movies, so yun."

Happy naman ba siya after one year ng relasyon nila ni Paul?

"Oo naman!" bulalas niya.

Sa tingin niya, tatakbo pa ang relasyon nila ng mahabang panahon tulad sa mga magulang niya?

"Sana," aniya. "Siyempre yun naman ang laging wini-wish natin. Sana maging katulad ng mommy at daddy ko."

What about their wedding day? Meron na ba?

"Matagal pa," sabi ni Toni. "So far, siyempre pinag-uuspan yun pero hindi pa ngayon kasi marami pang gustong gawin. Well, ano naman kami, we're here to support each other para matupad yung mga gusto namin."

BILLY CRAWFORD. Hindi ba pinagseselosan ni Paul ang co-host niya sa PDA na si Billy Crawford?

"Ay, nandito siya kanina [sa dressing room ni Toni]. Hindi pa sila magkakilala ni Paul. Hindi naman kasi nagpupunta masyado dito si Paul, nahihiya."

Nag-bonding na ba sila ni Billy?

"Ay, oo. Sobrang bait, napaka-humble. Dito siya, every day kami halos parang magkasama dahil Uberture [daily update of PDA] siya kaya nagkakaabot kami. ‘Tapos aalis na siya pagkatapos. Mabait siya."

Hindi imposible na ma-develop sa kanya si Billy dahil may track record itong si Toni na lapitin ng mga Fil-Am.

"Fil-Am? Ayaw ni Direk Paul!" kasunod ang malakas na tawa ni Toni.

Hindi ba't bago si Direk Paul ay ang leading man niya na si Sam Milby ang nabighani sa kanyang kagandahan bago naging sila ni Anne Curtis?

"E, baka hindi nila aminin. So, ayun.

"Kami ni Billy? Naku, hindi! Maganda lang ang teamwork namin sa hosting kasi si Billy ano siya, very open siya sa style of hosting dito sa Pilipinas. Very aware siya kung paano ang hosting style dito sa Pilipinas. Ayun, mabilis naman siyang matuto. ‘Tsaka may mga natutunan din ako sa kanya. Marami rin siyang knowledge na nasi-share. Maganda rin na nagkakatulungan kami."

Alam na ba ‘yan ni Paul?

"Oo, pero baka ‘pag nabasa niya ‘to, magselos siya!" tawa niya.

TAMING PAUL. Kung sakali, paano siya magpapaliwanag kay Paul?

"Hindi, ano, alam naman ni Paul na... Malaki naman ang tiwala nun sa akin at saka ever since naman na bago ko siya nakilala, alam na niya na ganun talaga sa showbiz. Na minsan may mga nakakasama ka, napi-pair ka, nali-link. Pero alam naman niya yung totoo sa trabaho. Personal at saka totoong buhay."

Paano ba magselos si Paul?

"Hindi kasi ano ‘yan, e...sinasabi niya agad. Hindi siya nagtatago ‘tapos nagkukunwari na wala. Sinasabi niya kaagad. So, naayos agad. Very mature nga yung relationship namin."

Ano naman ang ginagawa niya kapag nagseselos si Paul?

"Wala, ine-explain ko lang sa kanya. ‘Tapos naiintindihan naman niya agad."

Hindi ba siya nagpapakita ng sweetness kay Paul para mawala ang selos niya?

"Hindi, kasi sanay ako na walang nagtatanong sa akin dati na mga bakit, mga ganun-ganun. Hindi naman ako naiirita. Nag-a-adjust ako. Ang maganda naman kay Paul, kasi nakikinig siya kapag pinapaliwanagan mo. ‘Tapos konting ano lang, ‘Heto naman.' Game na siya, okey na."

Walang kilitian o lambingang nagaganap sa kanila ni Paul after ng selosan portion?

"Ano lang, very supportive ako ‘tsaka iniintindi ko siya kapag pagod din siya. We're here to support each other.
"Parang mga bata lang din kami. Pero grumadweyt na kami sa kilitian stage. Hindi na kami nagkikilitian. Wala, simple lang. Mature people lang," pagtatapos ni Toni.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes