First public appearance ng aktres na si Lorna Tolentino, after the death of her husband Rudy Fernandez, ang pag-attend niya ng 5th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) last Tuesday, June 24, sa Zirkoh Greenhills.
A week before the awards night, nagpunta si Lorna sa Boracay to unwind pagkatapos ng libing ni Daboy. Kasama ng aktres na nagpunta roon ang dalawa niyang anak na sina Ralphe at Renz, pati ang mga kaibigang sina Precy Ejercito and her daughter Jel, ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lynn and their daughter Djanin, Isabel Rivas, Amy Austria, at ilang non-showbiz friends. Sumunod din si Jinggoy Estrada, pero bumalik din ito kinabukasan sa Manila.
Inabutan daw sila ng bagyong Frank sa Boracay, kaya yung balak sana ni Lorna na magbilad sa araw ay hindi natupad. Nag-swimming na lang sila sa pool ng hotel na tinuluyan nila habang bumabagyo. Si Precy na dapat ay mauunang umuwi ng Saturday ay stranded kaya sabay-sabay na silang bumalik ng Manila noong Monday afternoon, June 23.
Iyon pala ay nag-decide si Lorna na um-attend ng awards night ng Golden Screen Awards last Tuesday dahil may tribute at binigyan ng posthumous award ang kanyang namayapang mister. Bukod dito, nanalo rin si Lorna sa kategoryang Best Performance of an Actress in a Musical/Comedy para sa pelikula nila ni Jinggoy, ang Katas ng Saudi—her first acting award in a comedy movie.
Hindi raw niya puwedeng biguin ang mga kaibigan na patuloy na sumusuporta sa kanila sa kabila ng mga nangyari. Hindi rin niya puwedeng biguin sina Jinggoy, Bong Revilla, at Phillip Salvador na pumayag na mag-perform noong gabing iyon para kay Rudy.
Si Bong ay pupunta dapat sa U.S. for a vacation, pero hindi muna tumuloy. Ang mag-asawang Tirso at Lynn, dapat ay umalis din nung araw na ‘yon for a series of shows sa Canada with German Moreno. Hindi muna sila tumuloy dahil nakasagot na si Pip na ire-rehearse niya sina Bong, Jinggoy, at Phillip sa kantang na "Paalam, Daboy" na siya ang nagpalit ng ilang lyrics sa song na "Doon Lang" ni Nonoy Zuñiga.
Bukod dito, nakasagot na rin pala si Pip na siya naman ang kakanta para kay Christopher de Leon sa tribute naman dito as the recipient of the Lino Brocka Lifetime Achievement Award. Kaya during the awards night ay sinamahan pa rin si Lorna nina Precy at Lynn.
Maraming nagsabing very composed pa rin ni Lorna kahit halatang malungkot ang aktres. Nakakatawa na rin siya sa pagbibiruan nina Jinggoy, Bong, at Ipe bago sila kumanta dahil pinalayo pa ni Jinggoy si Ipe para may space dahil doon daw nakatayo si Rudy.
Medyo bumigay si Lorna nang tanggapin niya ang posthumous award mula sa tatlong pinakamatalik na kaibigan ni Rudy dahil kahit sila ay medyo napaiyak na rin.
Sa thank-you speech ni Lorna, sinabing: "Mahalaga ang award na ito dahil alam ko, hindi naman talaga nawala si Rudy. Narito lang siya, kasama natin siya at alam ko, natutuwa siya sa tinanggap kong award.
"Ngayon nga po [June 24)] ang church wedding anniversary namin. Mananatili siyang buhay sa alaaala ng lahat ng mga tao na nagmamahal sa kanya. Kaya muli akong nagpapasalamat sa inyong lahat, sa inyong suporta at pagmamahal."
Pagkatapos ng awards night ay nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Lorna. Medyo napangiti ang aktres nang maalaala ang thank-you speech niya.
"Ayaw ni Papa [Rudy] na umiyak ako, ayaw niya ng madrama, kaya nagpigil ako sa pag-iyak kanina," sabi ni Lorna. "Hindi ko na natandaan kung anu-ano ang sinabi ko, pero alam ko siya ang gumabay sa akin kung ano ang sasabihin ko."
Tinanong na rin si Lorna kung kailan siya babalik as one of the co-hosts of StarTalk ng GMA-7.
"Wala pa, hindi pa muna ako magtatrabaho," sagot niya. "Kailangan ko munang tapusin lahat ng mga ibinilin sa akin ni Papa. Marami pa akong aayusin. Pinaghahandaan ko na rin muna ang forty days niya next month."
Totoo bang lilipat na siya sa ABS-CBN?

"Wala pa rin. Totoong may offer sila sa akin, pero ayaw ko munang pag-usapan ‘yon. Lahat ng tungkol sa pagbabalik ko sa trabaho, pag-uusapan namin ‘yan pagkatapos ng forty days ni Papa," nakangiting sagot ni Lorna.
Source: PEP
No comments:
Post a Comment