Bilang pagtupad sa huling habilin ng action superstar na si Rudy Fernandez na gusto niyang makita siya sa huling pagkakataon ng lahat ng taong nagmamahal sa kanya, ibinukas sa publiko ang kanyang burol sa Heritage Park sa Taguig City. Itinuro pa sa mga tao na gustong makapunta sa burol ni Daboy kung paano makarating sa The Heritage Park, sa pamamagitan ng pagdaan sa C-5.
Hindi pa man inilalabas ang mga labi ni Rudy from the mortuary last June 7, bukod sa kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan, may mga maaga nang dumating na fans na nagsimula nang pumila at hindi inalintana ang init ng araw.
Second night, June 8, nang pumunta kami sa burol ni Daboy. Nadaanan namin ang pagkahaba-habang pila na parang hindi kumikilos, at iisipin mo kung kailan sila makararating sa loob ng chapel at makita na si Rudy.
Yung ibang fans, nagkasya na maupo na lang sa damuhan at doon mag-vigil. May picture frame sila ni Rudy at may mga kandila sa harapan nito.
Tamang-tama na noong dumating kami ay magsisimula na ang Holy Mass officiated by Rev. Fr. Joey Faller, ang healing priest from Kamay ni Hesus Shrine sa Lucban, Quezon, with the Oasis of Love Music Ministry. Naging close na si Fr. Joey sa pamilya ni Rudy dahil simula nang magkasakit ang aktor, madalas na siyang nagbibigay ng healing mass for Rudy and his family.
Nasa front row siyempre ang maybahay ni Rudy na si Lorna Tolentino, katabi ang mga anak na sina Ralph at Renz; ang panganay na anak ng aktor na si Mark Anthony Fernandez with his wife Melissa and daughter Chelsea. Kumpleto rin ang mga malalapit na kaibigan ni Daboy na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Phillip Salvador, Christopher de Leon, at Tirso Cruz III, kasama ang kani-kanilang mga asawa.
Naroon din sina Gloria Romero with daughter Maritess Gutierrez, Gina Alajar, Isabel Rivas, Amy Austria, Jestoni Alarcon, Iza Calzado and dad Lito Calzado, Sunshine Dizon and mom Dorothy Laforteza, Johnny Delgado and wife Laurice Guillen.
Later, dumating na rin sina Dolphy and Zsa Zsa Padilla; Eddie Gutierrez and Annabelle Rama; Janno Gibbs and Bing Loyzaga; Malou Choa-Fagar of Eat Bulaga; Redgie Acuña-Magno of GMA-7; at ang mga direktor na sina Tony Reyes, Wenn Deramas, at Erick Salud.
Nagulat kami nang sabihing nahirapang makababa ng kotse niya si Dingdong Dantes na siyang nagmamaneho ng kotse, kasama ang girlfriend na si Karylle at si Direk Mark Reyes. Pinagkaguluhan daw kasi ng mga fans ang young actor.
Kaya pala, nakapasok na ang mga fans hanggang doon sa VIP entrance na inilaan para sa relatives and friends ni Rudy. Umalis na raw sa pila ang mga fans dahil napakarami na nila at baka hindi rin sila makapasok sa loob ng chapel. Tilian na lamang at palakpakan sila kapag may nakikitang artista, o kapag lumalabas ang magkakapatid na sina Ralph, Renz, at Mark Anthony.
Estimated 250,000 ang mga taong nasa loob ng Heritage Park nang gabing iyon, ayon sa security and volunteers na namamahala sa pila. Sinabi nila iyon kay Lorna na medyo napangiti at sabi, "Last night na ba ni Rudy?" Sagot sa kanya, asahan na niya ang mas maraming tao sa huling gabi ng burol ni Rudy sa Wednesday, June 11.
Maagap namang naayos ng security ang flow ng mga tao at mga sasakyan, kaya maayos na nakapasok sina Dolphy, Zsa Zsa, Ruffa Gutierrez, at Pops Fernandez.
Nakiusap din si Lorna sa phone-patch interview sa kanya ng Boy & Kris na sana ay irespeto nila ang mga kapwa nila at huwag samantalahin ang pagkakataon. May mga reported cases daw kasi ng pagkawala ng cell phones, wallets, at ilan pang personal na bagay.
Tuluy-tuloy pa rin ang public viewing ngayon, 24 hours a day. Nahihinto lamang ito kapag nire-retouch ang makeup ni Rudy at kapag ongoing ang Holy Mass.
Ipinaabot na rin ni Lorna na ang public viewing ay hanggang sa Wednesday na lamang, June 11, at 5 p.m. Isasara na nila ang gate ng ganoong oras para makapag-ayos naman sa isang necrological service na gaganapin pagkatapos ng isang Holy Mass at 5 p.m. to be officiated by Rev. Fr. Arlo Yap, spiritual director ng Oasis of Love Catholic Renewal Community, kung saan active members ang mag-asawang Rudy at Lorna.

Source: PEP
No comments:
Post a Comment