Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Tuesday, June 10, 2008

ABS-CBN confirms report that newscaster Ces Drilon and two cameramen are missing in Sulu


Bulung-bulungan kaninang tanghali, June 10, sa presscon ng Pinoy Big Brother Teen Editon Plus ang tungkol sa pagkawala diumano ng News & Current Affairs host ng ABS-CBN na si Ces Drilon at dalawa pa niyang kasama na sina Jimmy Encarnacion at Angelo Valderama.

Kung anu-ano na kasi ang lumabas na mga balita sa diyaryo, radyo, at telebisyon ngayong umaga. Kaya upang maliwanagan ang mga report na lumabas, nagdesisyon ang ABS-CBN na maglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito.

Narito ang official statement na ipinadala ng ABS-CBN sa PEP (Philippine Entertainment Portal):

"Tatlong mamamahayag ng ABS-CBN News ang nawawala sa Sulu—sina Ces Drilon, Jimmy Encarnacion, at Angelo Valderama.

"Ginagawa na ang lahat para sila ay mahanap at maiuwi sa lalong madaling panahon. Habang inaalam pa ang lahat ng detalye, nakikiusap ang ABS-CBN News sa kapwa namin mamamahayag na mag-ingat sa kanilang ibabalita, alang-alang sa kaligtasan nila Ces at kanyang crew.

"Nakikipag-ugnayan ang ABS-CBN News sa mga pamilya at hinihiling namin na igalang natin ang kahilingan nilang huwag humarap sa media."

Ito ang dahilan kung kaya't minarapat ng PEP na huwag maglabas ng anumang balita tungkol sa pagkakawala ni Ces hangga't wala pang go signal ang ABS-CBN.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes