Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Sunday, June 1, 2008

Ronnie Liang building a house for his parents in Pampanga

Isa sa nakikita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi nagbabago ang ugali ay ang Pinoy Dream Academy 2nd runner-up na si Ronnie Liang. He remains humble sa anumang accomplishment na nakukuha niya ngayon. Masuwerte rin siya sa manager niyang si George Roca na hindi siya pinababayaang malayo sa press dahil every time na may nangyari sa kanya na dapat niyang ipagpasalamat ay binibigyan siya nito ng presscon.

Nakausap muli ng PEP si Ronnie last May 28 sa Jay's Cafe sa Timog Avenue, Quezon City dahil gusto niyang magpasalamat sa success ng concert niyang Prince of Ballad sa Metro Bar last May 17.

"Maraming salamat po sa suporta ninyo," sabi ni Ronnie. "Kahit po may dalawang bagyo noong nag-show ako, napuno po namin ang venue. Nagpapasalamat po ako sa mga fans at ganoon din po sa mga producers ko, ang Events Authority. Dahil sa success ng first-produced show nila, may repeat po kami. But this time, sa Music Museum na po, sa August 26."

Sina YasmienKurdi at Bodie Cruz pa rin ba ang makakasama niya?

"Hindi po, iba naman po ang concept this time. Pero pinag-uusapan pa po kung si Yeng Contantino o si Ms. Sitti ang makaka-back-to-back ko. Kung si Yeng po kasi, magiging rock/ballad po ang concept; kung si Ms. Sitti po, magiging bossa nova/ballad ang concept. Magdi-depend po kasi 'yon sa schedule nila."

Pero bago ang repeat concert ni Ronnie, may negotiations na rin para sa solo show naman niya sa Chicago at Las Vegas from July 28 to the first week of August. Pero hindi rin daw siya nawawalan ng trabaho dahil every Sunday ay napapanood siya sa ASAP '08.

"Pinapayagan naman po nila akong mag-guest sa ibang shows. Kakatapos ko lang pong mag-guest sa Shall We Dance sa ABC-5. Nakasama ko sina Luke Mejares, Jeffrey Hidalgo, at Nyoy Volante with our dance partners."

FOURTH SINGLE. Ang isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni Ronnie ay ang pagpu-promote ng kanyang fourth single sa debut album niya sa Universal Records. Ito ay ang "Ikaw" na isinulat ni Keith Martin. Nai-shoot na rin daw niya ang ang MTV nito.

"Medyo po sexy ang concept. Malapit ko na po itong i-launch sa ASAP '08," nakangiting wika ni Ronnie.

May ilang recordings pa siyang ginagawa sa Universal Records, pero hindi pa raw niya pwedeng sabihin kung ano ‘yon.

Naitanong namin kay Ronnie na since sa Universal Records naman siya, may possibility ba na makapag-promote din siya sa GMA-7?

"Magde-depend po ‘yon sa Universal Records," sagot niya. "Hindi lang po siguro puwede sa SOP dahil katapat ‘yon ng ASAP '08. ‘Tsaka two times na rin po akong nag-guest noon kay Kuya Germs [German Moreno] sa kanyang Walang Tulugan.

"Hanggang ngayon naman po, may mga friends pa rin ako sa GMA-7. Tumatanaw pa rin po ako ng utang na loob sa kanila. Kung hindi po nangyari yung sa Pinoy Pop Superstar, na na-challenge ako, baka hindi po ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-join sa Pinoy Dream Academy. Marami rin po akong dapat ipagpasalamat sa PDA, kasi po nakarating na rin ako sa iba't ibang lugar dito sa ating bansa at sa abroad."

HOUSE IN ANGELES CITY. Biniro namin si Ronnie na marami na siguro siyang naipon dahil almost two years na rin nang manalo siya sa PDA. Halos hindi naman siya nababakante sa mga shows at successful din ang kanyang record album.

Kuwento niya, "Nag-iipon pa rin po kasi natupad ko na rin yung dream ko na maipagpatayo ko ng sariling bahay ang parents ko. Nakabili po ako ng 400-square meters lot sa Angeles City, at nagsimula na po itong tayuan ng bahay. Three bedrooms po ‘yon na 150 square meters ang floor area.

"Last week nang umuwi ako, lalagyan na raw po ng bubong, finishing na lang. kaya siguro po next month, makakalipat na doon ang parents ko. Kapag natapos na po ang bahay, ako naman ang mag-iipon para sa sarili kong ipatatayong bahay. May condominium unit po akong inuupahan na malapit sa ABS-CBN. Kaya kapag umuwi ako ng Angeles, may isa po akong room sa bahay namin."

May girl na ba siyang dadalhin doon sa bago nilang bahay?

"Ang nanay ko po ang dadalhin ko doon!" natatawang wika ni Ronnie. "Wala pa po akong girlfriend. I'm just 23 years old ngayon. Gusto ko po munang matupad ang dream ko sa aking family. ‘Tsaka na po ang lovelife."

Wala pa ba siyang nagugustuhan o crush sa mga kasama niya sa ASAP '08? Hindi ba't na-link na siya noon kay Nikki Gil? How about Sarah Geronimo, o baka takot lang siya sa nanay ni Sarah kaya ayaw niya itong ligawan?

"Kahit po sino sa mga kasama kong girls sa ASAP '08, talaga naman pong magkaka-crush ka. Pero wala po yung kay Nikki, friends lang po kami saka may non-showbiz boyfriend po siya. Nagbibigay-galang po ako sa Mommy Divine ni Miss Sarah kapag nakikita ko siya sa show, mabait po siya," pagtatapos ni Ronnie.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes