Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, June 9, 2008

Sharon Cuneta cuts short Italian trip to fly home and pay last respects to Daboy


Pasadong hatinggabi noong Sabado, June 7, sa London, nang matanggap ni Megastar Sharon Cuneta ang balitang sumakabilang buhay na ang malapit sa kanyang action star na si Rudy Fernandez.

Kadarating lang ni Sharon sa hotel na kanyang tinutuluyan matapos ang matagumpay na London screening ng pelikulang Caregiver at kasisimula pa lang niyang mag-impake ng kanyang mga gamit dahil alas-syete ng umaga kinabukasan ang lipad niya papuntang Rome.

Labis na hinagpis ang naramdaman ng Megastar dahil malayo siya sa Pilipinas nang mamaalam na si Daboy. Noong isang araw pa naman ay napagkuwentuhan pa ni Megastar at mga kasama niya mula sa TFC Global Limited at head nitong si Mickey Muñoz si Daboy.

Sa gitna ng kanyang hectic schedule para sa world screening ng Caregiver ay nagawa pang dumalaw ni Sharon sa ospital para magpaalam kay Daboy bago tumulak papuntang Los Angeles para sa international screening ng kanyang blockbuster movie.

Hindi na raw natulog si Sharon mula pag-alis namin sa tinutuluyang hotel sa London at pagsakay sa British Airways flight. Hanggang sa pag-landing sa Rome ay lungkot na lungkot at tahimik na nagdadalamhati ang Megastar.

Pinapanood niya lagi ang very touching VTR message ni Daboy noong nakaraang birthday show niya sa Sharon sa Araneta Coliseum na nakalagay sa kanyang iPod.

Kuwento pa ni Megastar, tiniyak niya na dumalaw muna kay Daboy isang gabi bago siya pumunta sa Amerika. Pagdating niya sa San Francisco kinabukasan, tinawagan at kinausap pa niya sa telepono si Daboy.

LONDON SCREENING. Ibang-iba ito sa kasayahang nadama niya buong araw noong Biyerenes, June 6, sa London screening ng Caregiver sa Prince Charles Theater sa gitna mismo ng West End district at Leicester Square sa London. Maagang nagising si Sharon sa excitement at naglambing pa raw ng Filipino food na laing at tocino. Nagustuhan daw kasi ito ni Sharon nang kumain na sila sa Josephine's Restaurant noong isang gabi.

Apat lang daw dapat ang screenings para sa June 6 pero dahil sold out na ang mga ito ay nagpaubaya pa ang TFC ng pang-limang screening at 9:30 pm.

Ayon sa napagkasunduan ng TFC Global Limited head na si Mickey, apat lang daw ang dadaluhan ni Shawie para sa nakagawian nang pre-show ceremonies, pero nagawa pa niyang dumalaw sa 5th screening kahit hindi na siya inaasahan ng mga tao dito. Kasama niyang umakyat sa stage si Direk Chito Roño (na nagpamalas ng angking galing sa pagho-host) at si Ms. Malou Santos na managing director ng Star Cinema.

Halos maiyak naman sa tuwa si Mega nang makita niyang dumating para manood ng 4th at 5th screening ang British actors na nakaeksena niya sa pelikula. Nakaka-touch ang reunion niya kina Saul Reichlin (Mr. Morgan), Claire Jeater (Margaret), Mark Shier (who played the manager ng nursing home sa Caregiver).

Hindi napigilan ng mga babaeng mapatili nang makita si Matthew Rutherford (David) na sabi nga ng marami ay mas guwapo pang lalo sa personal.

WHY SHE'S THE MEGASTAR. Buong pagmamalaki namang kumaway si Lieve (Lily) nang ipinakilala siya ni Sharon sa audience. Namangha ang Brits sa impact ni Mega sa mga Pilipino at noon ay napatunayan nila na talaga ngang karapat-dapat siyang tawagin na Megastar.

Isang artistang simpleng-simple ang ayos at ubod ng humble na Sharon Cuneta nga naman kasi ang nakagawian nila habang nagsu-shooting noon. Inimbitahan naman ni Sharon ang mga ito para sa isang impromptu cast party sa lobby ng Radisson Edwardian Hotel malapit sa sinehan.

Hindi naman mailarawan ang ngiti at saya ng mga taong nakapanood ng pelikula. Pati na ang nakakita kay Sharon in person lalo pa ang mga tunay na caregivers sa audience na binigyang-pugay ni Mega sa kanyangn pagsasalita sa entablado.

Excited niyang ibinalita na number one sa takilya sa Pilipinas ang pelikula niya kesa sa kasabay nitong Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull at Sex and the City. Pabirong sinabi ni Sharon sa audience na hindi naman daw nadadaan lang sa pagiging payat para maging blockbuster ang movie niya.

"Ang pelikulang Caregiver ay hindi lamang bumuo sa aking pag-aartista kundi bumuo na din sa aking pagkatao," pangwakas na mensahe ni Sharon sa mga nanood ng Caregiver sa London.

CUTTING SHORT HER ITALIAN TRIP. Kahapon ng alas dose ng tanghali ay kadarating lang ni Mega sa Fiumiccino Airport sa Rome kung saan kasama pa rin niya si Mickey, ang Europe correspondent ng ABS-CBN, Allie dela Cruz at Luis Bariuan ng TFC. Dadaluhan niya ang tatlong screenings ng Caregiver sa Italia.

Kinansela naman ni Sharon ang naunang plano niya na mamasyal pa ng ilang araw sa Italia at pagkatapos ay makikipagkita sa kanyang mag-anak na sina Senator Francis "Kiko" Pangilinan with their two daughters na sina Frankie at Miel. Nagdesisyon na lang siya na magpa-book ng first available flight pabalik ng Pilipinas pagkatapos ng third screening. Gusto na raw kasing makita ni Sharon si Daboy at makiramay sa lahat ng naulila ng aktor.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes