Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, June 9, 2008

Sharon Cuneta now in London for premiere night of "Caregiver"


Kasabay ng pagsikat ng araw sa London noong Huwebes, June 5, ang pagdating ni Sharon Cuneta via British Airways sa Heathrow Airport. Ito ay kaugnay ng premiere ng pelikula niyang Caregiver ng Star Cinema sa London, kung saan kinunan ang maraming eksena sa pelikula.

Kagagaling lang ng Megastar sa napaka-successful premiere night din ng kanyang pelikula sa Los Angeles at sa Honolulu, Hawaii. Pinili niyang dumiretso sa London kaysa umuwi ng Pilipinas.

In high spirits si Sharon pagkakita niya sa International Arrivals area. Nakatulog daw siya nang husto sa eroplano. Pero kahit halatang pagod sa long-haul flight ay walang tanda ng jetlag sa superfresh pa ring ayos ng aktres.

Nag-kape at late breakfast si Sharon kasama ang grupo ng ABS-CBN Global Limited, sa pangunguna ng Media Production Events head na si Mickey Muñoz, sa Costa Coffee Bar habang hinihintay ang mga bagahe niya.

Pinili namang maghintay ni Sharon sa taga-Star Cinema na si JD Ching na nawawala ang bagahe, kahit puwede naman siyang mauna para mag-check in sa hotel na tutuluyan nila, kasama ang kanyang personal assistant na si Penny.

Tuwang-tuwa naman ang mga kasamahan ni Sharon sa pagiging bibo niya sa isang oras na biyahe mula airport to the city habang giliw na giliw siyang nagkukuwento tungkol sa mga pangyayari sa L.A. at Honolulu.

Mismong ang top honcho ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez at ang COO ng TFC na si Raffy Lopez daw ang umasikaso sa Megastar. Ipinasyal pa raw siya sa opisina at sound studio ng TFC sa Redwood City. Nandoon din si Cathy Perez at staff from her weekly show Sharon. Sinuportahan din si Sharon ng TFC Production group headed by John-D Lazatin.

Nag-check in si Sharon sa kanyang suite sa isa sa pinakamagandang hotel sa Leicester Square. At ang kuwartong ibinigay ng TFC London kay Sharon is the same suite na tinigilan ni Sarah Jessica Parker noong premiere night ng Sex And The City last week sa katabi nitong Odeon Cinema.

Sa verandah sa labas ng hotel ay nadatnan ni Sharon na nagle-late lunch si Direk Chito Roño at sina Malou Santos at Olive Lamasan ng Star Cinema. Lumipad sila all the way from Manila to show their support for the premiere night kinabukasan.

Kagabi sa London ay sinamahan ni Sharon sina Mickey for dinner sa Josephine's restaurant sa Charlotte St. near Oxford Circus. She was overwhelmed to meet Madonna Decena and Charlie Green from Britain's Got Talent after eating supper. Tuwang-tuwa si Shawie habang kinantahan siya ng 11-year-old na si Charlie ng "Summer Wind" at ni Madonna ng "I Will Always Love You."

Past midnight nang maghihiwalay na sila at saka pa lang pinagpahinga ng TFC Global si Sharon dahil kinabukasan ang schedule ng premiere night ng Caregiver. Ibinalita sa amin ng taga-TFC Global na nakita nila kung gaano karaming Pinoy ang nagkumahog na makabili ng tickets.
Apat ang screenings tomorrow, June 7. Dahil sold-out na raw ang tickets, napilitan ang TFC na mag-open pa ng 5th screening at 8:30 p.m. para sa nagpipilit pa rin na makapanood ng pelikula. Excited sina Sharon at Direk Chito na makita ang reaksiyon ng moviegoers dahil doon sa London nila mismo kinunan ang 80 percent ng pelikula.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes