Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, June 9, 2008

John Lloyd considers movie with Sarah Geronimo barometer for his fans' loyalty


Kasalukuyang tinatapos nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang unang pelikulang pagtatambalan, ang A Very Special Love, na co-production ng Star Cinema at Viva Films. Pero hindi pa man ay lumabas agad ang balita na nagbabanta raw ang mga John Lloyd Cruz-Bea Alonzo fans na ibu-boycott nila ang pelikula nina Sarah at John Lloyd bilang ganti sa pakikipagtambal ng young actor sa ibang young actress.

Isang banta na ayon sa usap-usapan ay nag-ugat sa takot ng iba na kung kakagatin ang pakikipagtambal ni John Lloyd kay Sarah ay maaaring simula na rin ito ng tuluyang pagkabuwag ng John Lloyd-Bea love team, gaya ng nabalita noon na plano talaga ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd, sinabi niya na nakarating na sa kanya ang nasabing balita. Pero ayon sa kanya, ang magiging pagtanggap ng publiko sa pagtatambal nila ni Sarah ay ang barometer para masukat ang lalim ng suporta ng kanyang mga tagahanga.

"Siguro dito ko masusukat yung pagsuporta ng mga talagang sumusuporta sa akin," saad ng young actor. "I mean, hindi ko sila pipilitin. Gaya nga ng sinasabi nila, ‘Alam mo idol kita, gustung-gusto kita,' ito yung magsasabi kung gusto mo lang ba ako dahil sa taong ito, or gusto mo lang ba ako dahil sa project na ito? Ito yung magsasabi, ito yung magpapaliwang kung gaano ka-fair yung judgment nila. Kasi aaminin ko, hindi ito ganun kadaling step para sa akin.

"Coming from a very successful movie [One More Chance], ito yung susukat sa values ng mga sumusuporta sa akin, kung ganun lang ba kasimple ang hindi sumuporta sa isang sinasabi mong iniidolo mo, o gusto mo ang artista dahil iba lang ang kanyang kasama.

"Siguro hindi lahat maniniwala o magse-share kung paano ko sila tinitingnan. But I would really appreciate kung bibigyan ako ng chance nung mga fans na sumusuporta sa akin na mai-share yung isang bagay na gusto kong maiparating on this movie," pahayag niya.

HIGH EXPECTATIONS. Itinanghal na Box-Office King sa nakaraang Guillermo Memorial Scholarship Foundation with Bea Alonzo as Box-Office Queen dahil sa malaking kinita sa takilya ng One More Chance. Tinanong namin si John Lloyd kung hindi ba niya matatanggap kung saka-sakaling hindi kagatin ng publiko ang tambalan nila ni Sarah? At wala bang pressure sa kanya na mataas ang expectations ng tao sa pelikula nila dahil sa box-office result nito?

"Sabi ko nga, hindi ko puwedeng panghimasukan ang desisyon nila dahil desisyon nila yun," sagot niya. "Nasa kanila yun. Basta ako, nandito para gumawa ng pelikula. Parte ito ng growth, individual growth, na parehong inaasam namin ni Bea. Ngayon, anuman ang kalabasan nito [movie with Sarah], anuman ang maging resulta, it doesn't matter to me.

"Definitely, may kaba. Siyempre, gusto mo paglabas ng mga tao sa sinehan, gusto mong marinig sa kanila na maganda yung pelikula at nagustuhan nila. Pero hindi namin hawak yun; ako di ko hawak yun. So dun ako magko-concentrate sa mga bagay na may hawak pa ako o may control pa ako like, number one, yung puwede kong i-contribute sa pelikulang ito. Definitely, I'll give my best, lagpas pa ng one hundred percent. Yun ang puwede kong magawa, yun ang puwede kong mai-share.
"Kahit naman nung One More Chance, nung ginawa namin yun, ang pananaw namin, magustuhan ito o hindi ng mga tao o karamihan, ginawa namin ang lahat, pinagbuti namin sa abot ng makakaya namin. So walang rason kung ang kalabasan man ay hindi maganda and sa pelikulang ito ganun din ang pananaw ko," pahayag ni John Lloyd.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes