Hinihintay pa lang ang pagsisimula ng necrological service for Rudy Fernandez kagabi, June 11, sa chapel ng Heritage Park & Crematorium, na-focus na sa camera ang iyak nang iyak na si Sharon Cuneta. Kaya nang tawagin na ang Megastar ng mga nagsilbing hosts that night na sina Lani Mercado at Ricky Davao upang magbigay ng pahayag tungkol kay Daboy ay hindi siya agad nakapagsalita at inayos muna ang kanyang sarili.
Si Sharon ang "tanging best friend na babae" ng barkadahan nina Rudy, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Phillip Salvador. Kaya napakasakit din sa Megastar ang pagkawala ng itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan.
Narito ang kabuuan ng mensahe ni Sharon:
"Una kaming nagkasama ni Kuya Rudy noong 1993 nang magkatambal kami sa Kung Kailangan Mo Ako ng Viva Films. Noon pa, nakita ko na kung gaano kaganda ang puso niya. Naroon ang sincere desire niya to serve, he invested his time and efforts.
"Siya kasi ang pangulo noon ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino [KAPP] at isa ako sa hiningan niya ng tulong para mabuo nang husto ang samahan at sila ang itinuring kong mga best friends. At ayaw niyang tawagin na ‘maliliit na tao' ang mga kasama niya sa industriya. Kaya talagang nagtrabaho siya para sa kanila, he is a man of few words but a man of action, he was always a peacemaker.
"Noon din kami uli naging friends ni Jinggoy dahil 13 years old pa lang ako nang maging friends kami, pero pumasok ang pulitika. Si Daboy talaga ang nakiusap sa akin na tulungan ko sila at one of the boys na ako noon sa kanila. But they treated me like a lady, ako ang muse nilang apat.
"Nag-office pa kami ng KAPP sa office din ng Reflection Films niya noon sa Greenhills. Hindi naman ako nawala, si Kuya Daboy ang nawala. Ang hirap humanap ng mga tunay na kaibigan, ang dami kasing plastic dito.
"Huli akong nag-attend ng party ni Kuya Daboy noong birthday niya noong March 3. Dapat ay sponsor ako sa kasal ng friend ni KC [Concepcion, her daughter] sa Hong Kong, pero hindi ako tumuloy. Mas pinili kong um-attend ng birthday niya.
"Nang makausap ko siya noon, ang impression ko, kaya niyang talunin ang sakit niya. Pero si Ate Lorna [Tolentino], ang nag-a-update sa akin. Sabi ko, text na lang siya sa akin, ayko siyang kausapin kasi pareho kaming umiiyak.
"Nang umalis ako for our shooting [of Caregiver] sa London, text-text lang kami ni Ate Lorna. Alam ko nang bumalik sila sa States para ituloy ang pagpapagamot ni Kuya Daboy doon. Pero four days after, bumalik na sila rito. Text ni Ate Lorna, didiretso na sila ng Cardinal Santos Medical Center, doon na raw itutuloy ang pagpapagamot sa kanya.
"Nang makabalik ako rito from London, in denial ako. Hindi ko matanggap na wala na talagang lunas ang sakit niya. Pinadadalaw nila ako sa hospital, pero ayoko. Hindi ko siya kayang tingnan na hindi iiyak. Ayaw niya kasing nakikitang umiiyak ang mga dumadalaw sa kanya.
"Ang ganda-ganda ng regalo sa akin ng Diyos sa muli kong paggawa ng pelikula, pero hindi kumpleto dahil kay Kuya Daboy. Nung aalis na ako para sa premiere showing sa States, kinausap na ako ni Ate Lorna, ni Jinggoy, baka ako na lang daw ang hinihintay niya. ‘He wants to see you,' sabi nila.
"Kaya noong May 29, kasama ko si Kiko [Pangilinan, Sharon's husband], dumalaw kami. Pero hindi ako dumiretso sa room niya, sa room muna ni Ate Lorna. Doon ko iniiyak ang lahat, ‘tsaka ako nagpakita sa kanya [Rudy].
"Nakita kong natuwa siya at sabi ko sa kanya, pagkalabas niya ng hospital, mag-shoot na kami ng movie. Kahit anong klaseng love scenes, gagawin namin. Nagkuwentuhan kami at ang last words ko sa kanya: ‘I love you, wala tayong iwanan.'
"From U.S., tumuloy na ako sa London at mga text messages na lang ang tinatanggap ko. Sunud-sunod ang screenings ng Caregiver doon at parang nasa Cloud 9 ako sa mainit na pagtanggap sa movie doon. Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa flight for Rome nang mapansin ko ang mga missed calls, ayokong basahin, kahit text messages. Until nakita kong may message si Jinggoy at iyon ang binasa ko. Sabi niy, ‘Mare, wala na."' Parang hindi ko maisip na pagbalik ko, may dadalawin nga ako pero hindi na magre-react.
"Nag-decide na akong umuwi ng Pilipinas from Rome. Walang bakante para ma-rebook ang flight ko, nasa waiting list ako. Nang finally may availble flight, pero sa Thai Airways, iniwanan ko na ang secretary ko at ang iba ko pang kasama. Sa Cathay kasi sila naka-book ng flight. Nauna na akong umuwi, kahit mag-isa lang ako.
"Ate Lorna, hindi kita iiwanan. Narito lang kami para sa iyo. Kuya Daboy, hindi ko iiwanan si Ate Lorna. Please continue your presence felt, pero 'wag masyado, kay Jinggoy na lang!"

Source: PEP
No comments:
Post a Comment