Kinumpirma ng young actor na si John Lloyd Cruz ang pag-alok sa kanya ng role bilang Armando sa uumpisahang teleserye ng ABS-CBN, ang Yo Soy Betty La Fea.
Ilang linggo na ang nakararaan mula nang nakatakdang i-announce dapat sa ASAP ‘08 kung sino na talaga ang magiging leading man ni Bea Alonzo, but at the last minute, kinansela ang naturang announcement. May bulung-bulungan na pinigil muna ang announcement dahil baka makasira sa promo ng bagong pelikula ni John Lloyd with Sarah Geronimo sa Star Cinema na A Very Special Love.
Sa birthday presscon ni John Lloyd last Friday, June 21, sa ABS-CBN, inihayag niya ang kanyang damdamin tungkol sa pagganap sana niya bilang si Armando sa Betty La Fea.
"May mga plano sila sa buhay-buhay," biro ni John Lloyd sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sabay tawa. "Hindi naman ako ang may hawak nun. Kumbaga, ngayon, pinapalad lang tayo kasi gusto ko talaga munang magpelikula, e. Pero hindi ko sinasabing ayaw kong mag-Betty. Pero yun nga lang, hindi pa confirmed kung ano ba, kung sino ba ang gagawa, kung meron na ba. So, yun, doon lang muna ako."
Ayaw ba niyang tanggapin ang proyekto?
"Hindi sa ayaw," paglilinaw ng young actor. "Pinag-aaralan ko kasi yung mga susunod kong gagawin, and I'm really asking na maintindihan ng kung sinuman na dumarating tayo sa... Twenty-five na ako, sa bawat step na gagawin ko na tatahakin ko, kailangan kong maging maingat. E, meron lang mga konting conflict na pinaplantsa namin sa mga plano. Kumbaga, dapat kasi united ‘yan, e. United ang plano ng mga taong concerned."
"SOLDIER OF THE COMPANY." Ayaw ba niyang makasagasa sa balitang pagkakamabutihan ngayon ni Bea at ang Coverboys member na si Jake Cuenca?
"Nagpapakaano ako, nagpapakabuti," sabi ni John Lloyd. "Alam ninyo, sinasabi ko lang ito pero at the end of the day, I'm still a soldier of the company. Kung saan nila ako ilalagay, kung ano ang gusto nilang gawin ko, doon ako. So ganun, tatangapin ko kung ano ang maging desisyon nila kung para sa Betty nga ako o hindi."
Nilinaw rin ni John Lloyd na walang kinalaman kung si Bea lang ang nasa titulo ng proyekto.
"Ay, hindi naman. Hindi, more of ano, ano ba talagang career pathing ang gusto ko this year? Is it TV or movies? So yun yung pinag-iisapan, yun po ang pinaplantsa," paliwanag niya.
Sabi ni John Lloyd, wala naman daw siyang hesitation para gawin ang Betty La Fea.
"Hindi naman siya hesitation, e. Gusto ko lang...para ka bang namimili. Kung halimbawa, for this year, ano ba, is it movies or TV? You know, is it gonna be me and Bea again?"
ACTING LESSONS ABROAD. May particular ba na bagay ang nasa isip niya na gusto niyang gawin ngayong taon kesa sa Betty La Fea?
"Actually, I do," pag-amin niya. "Hindi lang naman yung paglihis kay Bea, e. Ang sa akin kasi, kung ako ang masusunod, ha, and I said this to Star Cinema... After nitong movie ko with Sarah, I'm gonna take a short break. Mag-aaral ako, kung puwedeng abroad, mag-a-abroad ako to study acting. Kung hindi man, kung masyadong imposible ang pag-a-abroad, puwede ako dito. May ino-offer ang Star Cinema na nagko-conduct ng workshop, ng acting class."
Hindi pa ba siya kuntento sa pag-arte niya considering he has won many acting awards plus a Box-Office King title this year?
"Hindi naman sa ganun," sagot niya. "Gusto ko lang lumawak ang kaalaman ko sa isang bagay na ginagawa mo. ‘Pag hindi mo pina-practice, kumbaga, kinakalawang na, nabobobo ka. Parang kumikitid yung kaalaman mo. Siyempre ‘pag may ginagawa kang isang bagay, palawak nang palawak yung kaalaman mo. Hindi dapat nagsi-shrink.
"May connection siya sa sinasabi ko tungkol doon sa foreign attack, foreign approach ‘tsaka sa Pinoy. Mas gusto ko... Kasi ang pinakamahirap, lalo na kapag gumagawa ako ng pelikula, dalawang oras lang ang ibinibigay sa ‘yo para makilala mo ang character na ibinibigay sa ‘yo. Unlike sa TV, you have the whole season."
Gusto ba niyang subukan ang umarte sa ibang bansa?
"Not really. Takot ako, e. Masyado yatang malaki ang Hollywood for me. Pero ‘eto talaga yung gusto kong gawin bago pa ako bumalik from the States, yung sa show namin nina Sam [Milby] and Piolo [Pascual]. Originally, ito talaga ang nakaplano sa akin na gawin," saad ni John Lloyd.
DIRECTING & PHOTOGRAPHY. Wala ba siyang planong magdirek ng pelikula balang-araw?
"Directing is something that I will never do in my life. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mag-direk. I don't think I can be a good leader," pag-amin ng young actor.
Bakit ayaw niya?
"Somehow ang director, pagdating sa set, leader, e, ako yung captain of the ship. I could be a good follower, pero a good leader, I doubt that. Iba sila. Ewan ko kung meron sila. Pero lahat ng makikita mo sa frame, lahat ‘yan iintindihin ng director. Magko-contribute na lang ako."
What about photography?
"I like moving pictures. Movies talaga ako. Kahit sa painting, hindi ako masyadong...wala akong knowledge about it. Pero pelikula, emotions, mas nakaka-associate ako doon. Mas nakaka-indentify ako doon."
DREAM ROLE. May dream role ba siya?
"Halimbawa, ang pinanggagalingan ng dream role, somehow kung ano ang makaka-challenge sa ‘yo, di ba? Kasi dati, automatically, I would say something offbeat. Somehting like psycho-killer na rapist or... Pero yung mga ganung klaseng mga role, as it is, yun na yun, e. Buo na, parang hulmado na yun.
"Siguro challenging din siya, pero hindi siya as challenging as normal people. Kung papano mo siya payayamanin? Paano mo bubuuuin ang puso ng character. Masyado na kasing nakatuon ang concept ng dream role sa mga ganun," opinyon ni John Lloyd.

Source: PEP
No comments:
Post a Comment