Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, June 16, 2008

Anne Curtis overwhelmed by the importance given to her by ABS-CBN


Mistulang isang Diyosa na nga talaga ang young actress na si Anne Curtis sa pagpapahalagang ibinibigay sa kanya ng kanyang network, ang ABS-CBN nang maging guest siya sa The Buzz yesterday, June 15.

Kapansin-pansin dahil ang mismong tatlo pang hosts ng The Buzz na sina Boy Abunda, Cristy Fermin, at Ruffa Gutierrez ang sabay-sabay na nag-interview kay Anne nang live. After nga ng live interview na yun ni Anne, bago pumunta ng Pampanga to celebrate Father's Day, nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa isa sa mga dressing room doon.

Obviously, overwhelmed si Anne sa ibinigay na pagkakataon sa kanya ng network to become Dyosa. Sey nga niya, "Very happy! Sobrang natutuwa ako na napunta sa akin ang project. Super kina-career! Super ine-effort ko ang taping namin. Yung mga outfits," nakangiting pahayag nga niya.

Gumaganap nga si Anne sa tatlong katauhan bilang ibon, sirena, at taong-kabayo. Ayon sa kanya, mahihirap daw at mabibigat ang halos lahat ng costumes niya.

"Mabigat kasi yung mga costumes. Yung pakpak. So, tiis talaga. Kahit anong oras ka umuwi, tanggal ng makeup ‘tapos, ulit. Tiyaga lang, pero masaya," kuwento pa ni Anne, though, hindi pa rin daw niya sure kung kailan talaga ang exact airing nito, but definitely, hindi pa raw ngayong June.

As early as now, walang-duda na ang Dyosa niya ang nakikitang tila puwedeng ipantapat daw sa Dyesebel naman ng GMA-7 dahil bukod sa parehong fantaserye, both has a mermaid for a character.

PEP asked Anne kung ano ang palagay niya sa bagay na ito.

"Sana...sana, hopefully, this will be a healthy competition naman. Tutal ang Dyosa naman, iba naman ang story niyan sa mga ipinapalabas sa kabila. Even to compete with other fantaseryes dito sa ABS-CBN, iba rin talaga ang concept niya. Tatlu-tatlo na sila!" natatawa niyang sabi. "Of course, it's a different concept, pero you know, of course, nandoon pa rin ang pagiging healthy competition with other shows."
Flattered daw talaga siya sa nakikita niyang pagtitiwala at pagpu-push ng ABS-CBN sa kanya, to think, na hindi pa siya makokonsider na Star Magic artist since she's being managed by Viva Artist Management.

"I guess, I'm just very, very thankful na hindi ako pinapabayaan at inaalagaan ako. So, I'm thankful kasi kahit hindi talaga ko Star Magic. That's why I will really do my best to prove na hindi sila nagkamali."

Kung tutuusin, isa ang ABS-CBN sa may napakaraming magaganda at magagaling din na na young actresses, naiisip niya kaya kung ano kaya ang meron siya na wala ang iba at isa siya sa talagang nabibigyan ng magagandang projects tulad nga nitong Dyosa?

"Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam!" natatawa niyang sabi. "Basta kung ano lang ang ibinibigay sa akin, kakarerin ko na lang," sey niya.

Aminado si Anne na as early as now, may kaba at pressure na raw siyang nararamdaman.

"Of course, there's a lot of pressure and I'm very nervous about the project. But when it comes to rating at yung mga ganyan, ang sinasabi naman ng mga director, like si Direk Wenn [Deramas], huwag na lang isipin yung mga rating. Isipin mo na lang, yung story natin. Just continue to do it as the script...to make it beautiful, to make it best."

When it comes to movies, may naka-line-up na raw siyang movie under Viva Films as follow-up naman sa success ng pelikulang When Love Begins ng Star Cinema. This time, it's something new raw for her dahil may pagka-epic ang bagong movie na isu-shoot.

"Hindi ko alam kung puwede ko nang sabihin," nakangiti niyang sabi. "But it's something new. It's something different. Epic movie siya at pang-Metro Manila Film Festival siya."


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes