Araw-araw ay nagsu-shoot si Toni Gonzaga para sa Pinoy Dream Academy Season 2 primetime airing. Halatang proud din siya sa mga scholars ngayon sa PDA. Plus factor din sa enthusiasm ni Toni sa show na kasama na nila si Billy Crawford as host.
"We're very excited, siyempre, kita n'yo naman, meron kaming international performer. Malaking privilege sa amin ito dahil, siyempre, nahahaluan kami ng knowledge ni Billy about performing. Marami kaming natututunan sa kanya."
Ayon kay Toni nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mismong academy ng PDA, daily raw silang magkasama ng singer. "Siya kasi ang nagho-host ng Uber ‘tapos ako naman sa primetime. Araw-araw yun.
Wala bang pagkaumay factor?
"Actually, masaya! Si Billy kasi yung kapag katrabaho mo, parang ang tagal n'yo nang magkatrabaho. Kasi, very approachable siya, very humble at down-to-earth, at talagang ang sarap katrabaho."
Noong nasa GMA-7 pa raw si Billy, nakikita na niya ito sa ilang events, tulad ng Awit Awards, although, first time daw talaga nilang magkasama sa isang show.
"'Hi' and ‘hello' lang kami noon. Nagpapakilala pa ‘ko sa kanya, like, ‘Hi! I'm Toni.' Noong first time naming mag-meet dito, okey, masaya, kasi very open siya. Nagtatanong siya kung paano mag-run ang show. At sa tingin ko, kahit kanino mo siya isama as host, he will stand out."
DEFENDING BILLY. Ipinagtanggol pa ni Toni si Billy sa obserbasyon na hindi ito masyadong makasabay with the other hosts of PDA.
"I think with that, gusto ko naman siyang ipagtanggol kasi, iba na ang influences niya. International na yung market niya. Actually, maganda nga ‘yun kasi, hindi siya yung typical host.
"Hindi siya yung typical host na nakikita natin sa Pilipinas. He's bringing in yung westernized style of hosting. In a way, nami-mix din namin kung paano namin naho-host yung programa. Siguro, na-instill lang din sa mga tao, sa mga audience kung paano hino-host ang particular na programa. At sa PDA, may Season One na already, so, parang yun na ang naka-stick sa mind.
"I think, palagi namang ganoon, basta may bago kang ipinapakita. Parang hindi agad nagugustuhan ng mga tao, but I think, later on, they will embrace it too."
PROUD OF THE SCHOLARS. Napa-"Naku!" na lang si Toni nang hingan namin ng reaction sa ilang puna na tila mas promising daw ang mga scholars ng PDA, compared sa Pinoy Idol finalists naman ng Kapuso Network, at hindi nga maiwasang hindi mapagkumpara ang mga finalist ng both shows.
Aniya, "Well, ako naman, kasi, since nagawa na namin ang Season One ng PDA, ako, siyempre as a host, thankful ako na nakasama pa rin ako sa PDA Season Two kasi, akala ko rin, hindi na ‘ko makakasama. So, parang ako, I'm just really happy that I'm part of the program right now.
"And I'm proud of the scholars dahil lahat sila, dumaan sa mabusising pangingilatis talaga ng mga judges, na alam mo na dekalidad at talagang mga beterano na pagdating sa musika like our [Head] Master Ryan C [Cayabyab]. ‘Tapos, nandiyan pa si Direk Joey Reyes na institusyon na rin sa industriya. Then, si Teacher Kitchie na talaga naman, lahat ng mga singers, dumaan sa kanya at tinuturuan niya kung paano mag-alaga ng mga boses."
AS GOOD AS YOUR LAST PERFORMANCE. Inisip daw niyang talaga na baka wala na siya as host ng Season 2 ng PDA., but obviously, siya lang halos ang nare-retain sa lahat ng seasons ng PBB at PDA. Napa-"Wow!" ito upon hearing na kapag sinabing PBB or PDA, kakabit na din ang pangalan niya.
"Actually, akala ko rin, wala na ko sa PDA, kasi, ang alam ko magbabago na rin ng format. Kaya sinasabi ko lang palagi, ‘Thank you, thank you!' Malaki ang pasasalamat ko siyempre na napagkakatiwalaan pa rin ako.
"Palagi ko namang naiisip na you're as good as your last performance. You'll always be remembered for your last performance."
Dugtong pa niya, "Siyempre, nakaka-flatter sa akin, pero at the same time, ayaw mo rin namang ilagay sa utak mo. Katulad sa showbiz, pana-panahon lang din naman ‘yan. At ngayon nabibigyan ako ng magagandang opportunity, so, I am just really thankful."
THREATENED BY TONI. Pero ano itong nakarating sa PEP na may isang host daw ang Kapamilya Network na nate-threaten sa presence ni Toni?
"Walang nate-threaten sa akin. Wala naman siguro," nangingiting pahayag niya. "Tingin ko naman kasi, as a host, may kanya-kanya naman kaming abilidad at kakayahan.
"On my part, maraming host dito sa ABS na talagang I really look up to. Marami akong natutunan sa kanila at sa tagal na rin nila sa industriya, na-establish na rin nila yung mark nila as a hosts."
Kung meron man daw masasabing nate-threaten sa style of hosting niya, ayaw raw niyang isipin ‘yun.
"Basta, wala akong napi-feel. Kung meron man, madya-judge ka ng mga tao sa huli mong performance kaya ako, pinagbubuti ko lang ang trabaho ko."

Source: PEP
No comments:
Post a Comment