Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, June 23, 2008

Coverboy Marvin Raymundo wins "Mr. Personality" special award in Manhunt International 2008

Hindi man gaanong nabalita, binigyang-karangalan ni Marvin Raymundo ang bansa nang mapabilang siya sa Top 15 at manalo ng special award na Mr. Personality sa Manhunt International 2008 na ginanap sa Seoul, South Korea. Miyembro si Marvin ng all-hunk group na Coverboys.

Ikinuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang maganda niyang experience sa paligsahan ng pinakamakikisig na lalaki sa buong mundo.

"Nag-join ako sa Manhunt International sa Seoul, South Korea last May 28 hanggang June 3. Bale, 50 countries ang kasali roon and I represent the Philippines. Luckily naman, napasok ako sa Top 15, I also got a special award, ito ngang Mr. Personality."

Ayon kay Marvin, hindi na niya in-expect na mapapasok siya sa Top 15. Intimidation nga raw ang unang naramdaman niya nang makita niya ang kanyang mga makakalaban.

"I never expected na papasok ako sa Top 15 kasi pagdating ko dun, ang tatangkad ng mga finalists, 5'11" na ako pero kung lalapit kayo sa iba, average yata nila ay 6'2". Sabi nga ng manager ko, ‘wag ko na lang daanin sa katawan kasi ang gaganda rin ng mga katawan nila, idaan ko na lang daw sa charm.

"To be honest, na-intimidate talaga ako. Kung makikita ninyo lang ang mga abs nila, kung paano sila mga tumayo... But it was such a good experience." 

COVERBOYS LEADER. Kamakailan ay nabalita na sa isang umpukan daw ay nalasing ang Coverboy member na si Jake Cuenca. Nakapagsalita diumano ito na siya raw ang nagdadala sa Coverboys at siya ang tumatayong leader dito. Dinepensa naman ni Marvin si Jake at nang tanungin kung sino ba talaga ang itinuturing nila sa Coverboys as their leader, katulad din ng ininterbyu noon na si Jake ang sagot nito. Si Rafael Rosell din ang sinabi niyang parang leader nila.

"That's not true," ani Marvin tungkol sa balitang si Jake diumano ang nagke-claim na leader ng Coverboys. "Pantay-pantay lang kami sa grupo. Kunwari may steps ka na di alam, ituturo ng may alam. Kunwari nag-comment ako na galingan natin, nagtutulungan kami.

"Pagdating sa sayaw, ang pinakamagaling sa amin si Rafael, so siya ang tinatanong namin. I can say na siguro si Ralph nga [ang leader]. Siya ang pinakauna sa aming lahat. ‘Pag may mga prayers, siya ang nagli-lead. Pero yung sasabihing leader talaga, wala."

MARVIN'S CRUSHES. Ka-love triangle nina Jake Cuenca at Shaina Magdayao si Marvin sa nalalapit na episode ng Your Song. Inamin ni Marvin sa PEP na crush niya ang young actress.

"Yeah, crush ko si Shaina. Ina-admire ko siya, nagagandahan ako sa kanya coz maganda naman talaga si Shaina."


Nang tanungin ng PEP kung sinu-sino pa ba ang mga showbiz crushes niya, inisa-isa naman ito ni Marvin.

Si Anne [Curtis], may something siya na ia-admire mo sa kanya. Nakasama ko siya before sa May Minamahal. Akala ko baka mahirap i-please o pakisamahan pero hindi pala kasi sobrang bait niya. Nagagandahan din ako kina Nikki Gil at si Bea, crush ko.
Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes