Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Tuesday, June 24, 2008

Angel Locsin laughs off issue regarding who's number one spot in FHM Phils.' Sexiest list, "KAILANGAN BA KUNIN KO LAHAT?"- Angel Locsin




Mixed emotions si Angel Locsin sa nalalapit na pagtatapos ng kauna-unahan niyang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lobo. By this time maaaring nakunan na ang mga huling eksena ni Angel at Piolo Pascual para sa huling dalawang linggo ng Lobo.

"Masaya ako na... actually, masaya ako na matatapos kami dahil ito yung masasabi ko na after ten years na binalikan ko, magiging proud pa rin talaga ako na natapos namin yung ganito kagandang show at naaliw ako dahil natuwa talaga ang mga tao," lahad ni Angel nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GAP WITH PIOLO? Kahit matatapos na ang Lobo hinahabol pa rin ng intriga si Angel at Piolo. This time, dahil sa sunud-sunod ang magagandang eksena sa last two weeks ng mga episodes ng show ay iniintrigang nagkaroon daw sila ng gap ni Piolo. Diumano, nagbibilangan daw sila ng eksena ni Piolo sa Lobo. Kumbaga, nag-aagawan ng exposure at magandang eksena sa Lobo.

"Kanina magkasama kami, ‘tsaka sa Entertainment Live!. Parang...paano? Yung sa akin...how? Para sa akin parang hindi ko na dapat sagutin, kasi nakikita ninyo naman kapag nanonood kayo ng Lobo. Kayo na po ang bahalang mag-isip at mahirap po yung mga eksena namin."

Kung sakali man, isyu ba sa kanila ni Piolo ang paramihan ng eksena sa Lobo?

"Hindi isyu sa amin kung sino ang mas maraming eksena. Actually, mas okey nga dahil nakakapag-rest ka kapag wala ka nang masyadong eksena. Kung sinuman yung gumagawa ng isyu, kung kaninuman nanggagaling yun, e, bahala na sila."

Ano ang gagawin niya pagkatapos ng Lobo?

"Right after Lobo may flight ako papuntang Bangkok. May trabaho lang ako doon. Ewan ko kung makakakuha ako ng a week's rest kasi kailangan na nilang [Star Cinema] mag-start para sa bagong pelikula na gagawin ko with Piolo."

FHM PHILS.' SEXIEST. May intriga tungkol sa pagkakaungos sa kanya ni Marian Rivera para number one slot ng Philippines' Sexiest ng FHM Philippines Magazine. May komento si Angel tungkol dito.

"Ewan ko po. Hindi naman po natin kontrolado, ‘di ba? Kung sino ang mananalo, kung sino ang iboboto ng mga tao? Basta ako, masaya ako. Parang ano yun, e, parang kailangan ba kunin ko lahat?"

Masaya at nagpapasalamat naman daw siya sa pagtitiwalang ibinigay naman sa kanya ng isa pang men's sexy magazine. Hinirang kasi siya nito bilang kanilang pinakaseksing babae sa Pinas. Pero hindi naman ibig sabihin nito'y kakalimutan na niyang magpasalamat din sa FHM.

"Sa FHM, nagpapasalamat ako. Kasi doon ako nag-start. Pero nagawa ko na ‘yan [being hailed as the Philippines' sexiest] even before pa. Parang, bigyan naman natin yung iba ng chance, ‘di ba?"

Hindi ba niya inaambisyong maging number one ulit sa FHM?

"Hindi na. Para sa akin mas importante yung mga taong naniniwala sa akin. Mas may importantsya sa akin."

Pero okey lang ba sa kanya kung si Marian ang hiranging number one sa sexiest list ng FHM Philippines?
"Okay lang. Kaya natawa lang ako kasi feeling ko wala namang isyu, at sa kanya, hindi rin naman isyu yun. Parang nakakatuwa lang na yung mga fans ang talagang ano sa aming dalawa. Pero salamat po sa lahat ng bumoto," tapos ni Angel.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes