Nagpakita ng suporta sa launching ng Belo Medical Group kay Ruffa Gutierrez bilang bago nilang endorser ang talent manager at kaibigan ni Dra. Vicki Belo na si Lolit Solis. Dito nilinaw ni Manay Lolit ang isyu tungkol sa talent niya at anak-anakang si Lorna Tolentino na kasalukuyang nasa Boracay.
"Ayun, nandudun siya ngayon sa Boracay, kasama ng mga anak niya," lahad ni Manay Lolit nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Sa Lunes, June 23, na raw ang balik ni Lorna ng Manila.
"Siyempre, di ba? Baka doon na siya maggi-grieve kay Rudy kasi ang tagal-tagal na pala nilang balak ni Rudy na magpunta sa Boracay, pero hindi natutuloy. Kaya ngayon lang nagpunta si Lorna. Very sentimental ang kanyang pagpunta doon," lahad ni Manay Lolit.
Nilinaw rin ni Manay Lolit ang balitang lilipat sa ABS-CBN si Lorna.
"Ang kontrata niya sa GMA per program, sa StarTalk lang. Hindi siya exclusive ng network. Kaya nga kapag may offer ang ABC-CBN, tumatanggap siya."
May offer daw talaga ang ABS-CBN kay Lorna for some shows.
"Oo, may offer," diretsahang sagot ni Manay Lolit. "Tatanggapin namin, bakit hindi? Bakit si Chistopher [de Leon] at si Tonton [Gutierrez] ganun-ganun [palipat-lipat sa dalawang networks]? Kaya okey sa akin."
Anong show ang gagawin ni Lorna asa ABS-CBN?
"Ah, isang teleserye at isang talk show."
Kailan siya pipirma?
"Hindi pa. Balak pa kasi niyang magtrabaho sa August. Baka doon na rin ang pirmahan," sagot ng manager ng aktres.
Alam na ba ito ng GMA-7?
"Hindi," tugon ni Manay Lolit. "Pero kung may magandang offer ang GMA, titingnan niya."
Gusto raw talaga ni Lorna na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN.
"Nakilala kasi siya sa Malaysia dahil sa programa ng Dos," pagtatapos ni Manay Lolit.

Source: PEP
No comments:
Post a Comment