Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, July 14, 2008

Star Cinema's Malou Santos says Judy Ann will stay as a Kapamilya


Present halos lahat ng executives ng ABS-CBN at Star Cinema sa press conference para sa episode na ginawa ni Gretchen Barretto for Maalaala Mo Kaya (MMK) at sa pag-a-announce na tuwing Saturday na ng gabi, after Pinoy Dream Academy, mapapanood ang longest-running drama anthology sa bansa.

Ayon sa Managing Director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos, marami raw kasi silang natatanggap na request from the viewers na nagsasabing nauumpisahan nila ang MMK, pero hindi na halos napapanood ang ending dahil late ng pag-ere nito. So they decided na ilipat na ito ng Saturday night para nga naman hindi maapektuhan sa timeslot ng mga teleserye tuwing Friday.

For 17 years na itinatakbo ng Maalaala Mo Kaya, hindi na halos mabilang ni Ms. Malou ang mga paborito niyang true-to-life story na naipalabas nila, especially when she was still the executive producer of the show. Pero may isang insidente raw hinding-hindi niya makakalimutan.

"Nang mademanda kami, it was ‘Tanikala' episode," sabi ni Ms. Malou. "Nagkataon na nakiusap ang letter sender na huwag na lang gamitin yung totoo niyang pangalan. Nang palitan at makaisip si Mel [del Rosario, MMK's Creative Head] ng ipinalit na pangalan, yung surname na ginamit ay halos pareho rin pala ng kuwento, yung may ganoong pangalan at may hacienda rin. Yung bida sa 'Tanikala' was Jaclyn Jose."

Pero nanalo naman daw sila sa kaso dahil may proof sila na pinapalitan talaga ng letter sender ang name niya at hindi intentional na may kapangalan at kahawig na istorya ang napili nilang ipalit.

Naranasan din daw nila sa MMK ang mga nasususpinde ang ilang direktor tulad ni Direk Olive Lamasan na sobrang passionate talaga sa ginagawa. Nao-over budget sila at nakapag-taping ng seven at nine days for one episode. Ito ay yung epic story na ginawa nila.

Siyempre pa, hindi rin nila makakalimutan ang very first episode ng MMK, ang "Rubber Shoes" na idinirek ni Emmanuel Borlaza with Romnick Sarmenta as the lead.

JUDAY IS NOT TRANSFERRING. Kung may na-appreciate lalo ang entertainment press kay Ms. Malou, ito ay ang pagiging straightforward niya at pagsagot ng diretso sa anumang concerns ng press. In fact, sa kanya rin nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na natuloy na last week ang meeting ni Judy Ann Santos and her manager, Alfie Lorenzo, sa ilang executives ng network, ‘tulad ng may-ari na si Mr. Gabby Lopez, ABS-CBN President Ms, Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, at si Ms. Malou.

Naging malinaw rin sa entertainment press na walang mangyayaring lipatan ng network with Judy Ann.

Lahad ni Ms. Malou, "Nakapag-usap naman po noong Thursday [July 10], dito rin sa 14th Floor. Tuloy ang taping ng Nurserye [ni Judy Ann], pero pagdating na niya ang pagre-resume ng taping dahil aalis ulit siya at sa August na ang balik niya.

"Magkakaroon din siya ng isang episode sa MMK, pero hinahanapan pa ng magandang istorya. Sisimulan na rin yung sitcom nila ni Ryan Agoncillo kasama si Ai-Ai delas Alas. And then, her movie with Star Cinema."

Nang tanungin ang Star Cinema executive kung may napag-usapan ba tungkol sa nasusulat at nababalitang paglipat ng network ni Juday, wala raw na-mention at all na ganoon sa kanilang meeting.

"Wala namang na-mention na lipatan," sabi ni Ms. Malou. "I could say na yung naging usap, it's more on nagkaayos. It's more on kung anuman ang nangyari, huwag na lang nating pag-usapan."

Masaya naman daw lahat during the meeting at naging maganda ang pag-uusap at mga planong nakatakdang gawin for Juday's projects.

Ayon pa kay Ms. Malou, posibleng last quarter of this year maiere ang Nurserye ni Juday with Derek Ramsay dahil may pelikula pa ring ipapalabas ang aktres sa Regal Entertainment, ang Kulam. Nabanggit nga raw ni Juday na magiging visible siya dahil sa promotion nito, kasama na rin ang mga ABS-CBN show na lalabasan niya.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes