Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, July 14, 2008

KC Concepcion and Richard Gutierrez fly to Greece to shoot some scenes for their movie under STAR CINEMA

Tumulak patungong Greece sina KC Concepcion at Richard Gutierrez last Sunday night, July 13, para sa shooting ng first movie nila under Star Cinema, ang For The First Time. Maglalagi ng ilang linggo sina KC at Richard sa Greece at pagbalik nila rito sa Pilipinas, ‘tsaka itutuloy kunan ang iba pa nilang mga eksena.

Bago umalis ay nakunan ng ng pahayag ng The Buzz sina KC at Richard.

"Parang kalahati ng pelikula sa Greece. Summer pa dun, so siguradong maganda yung aura ng mga tao doon," sabi ni KC.

Dagdag ni Richard, "Perfect time to go."

Pero dito pa lang sa Pilipinas, marami na raw ang nakakapansin ng kakaibang sweetness na nila sa isa't isa sa set ng For The First Time. Iniintriga rin ang matamis na pagtitinginan nina KC at Richard. Masyado raw kasi ang pagiging malapit ni KC kay Richard to the point na nakikipagkilitian pa siya sa kapatid ni Ruffa Gutierrez.

"Shooting has been good," sabay tingin ni KC kay Richard na nasa tabi niya.

"Uhm, it's been good. It's a perfect girl who has an imperfect guy in her life," sabi ni Richard tungkol sa pelikula nila.

Dagdag naman ni KC, "But he also finds out yung imperfections sa sarili niya. It's a love story also how a two imperfect people can find..."

"Perfect love," dugtong ni Richard.

Tamang-tama raw ang chemisty ng dalawa ayon sa mga kasama sa pelikulang ito.

"We've known each other quite sometime and we must enjoy every moment, so siguro yun ang nagdadala ng chemistry sa amin," pahayag ni Richard.

Dahil unang pelikula ni KC, suportado ito ng ina niyang si Sharon Cuneta. Katunayan ay sinorpresa pa niya ang dalawa sa set ng For The First Time. Ipinalabas sa The Buzz ang ilang footage ng pagpunta ni Sharon sa set ng movie nina KC at Richard.

"Excited siya na pinaka-first na pelikula ko ‘to. She was just making sure everything was going well. Nagpakita na rin siya ng suporta bilang nanay," saad ni KC.

Sabi naman ni Richard, "Bale na-shock kaming lahat! Hindi namin ine-expect. Nagulat kami ‘andun siya."

Kamakailan naman ay nakunan na ang unang music video ng pelikula nina KC at Richard. Sa video ng pelikula nila, si KC mismo ang kumanta ng theme song ng first movie niya.

"Ibang-iba naman siya dun sa music video na pang-album," proud na sabi ni KC.

Natutuwa naman si Richard dahil kasama siya sa music video ni KC.
"Ang daming first talaga sa pelikulang ito. Isang music video na kasama ko si KC," sabi ni Richard.
Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes