Sa mga sanay makita si Matt Evans sa kanyang curly and big hair, maninibago talaga with his short and clean-cut hair. Pero halos lahat naman ng mga nakakakita sa kanya ay nagsasabing mas bagay sa kanya ang bago niyang hairstyle.
Pagdating naman sa kanyang career ay masasabing masuwerte sila ng katambal niyang si Melissa Ricks dahil nagdidire-diretso ang mga projects na ginagawa nila. In fact, maganda rin ang respective roles nila sa magpa-pilot na teleserye ng ABS-CBN sa Monday, July 14, ang Iisa Pa Lamang.
Matt plays the role of Toby Torralba, bilang bunsong kapatid ni Gabby Concepcion, at si Melissa naman bilang Sophia Castillejos, bunsong kapatid ni Diether Ocampo.
"Kakaibang Matt po talaga ang makikita n'yo rito," sambit ni Matt. "Kasi yung character ko po rito, mayabang na makulit. Pero deep inside, defense mechanism ko lang po yun. Kasi nagre-rebelde ako sa pamilya namin.
"Basta kakaibang Matt ang makikita n'yo rito, ewan ko nga lang po sa boses! Ang hirap po kasing i-modulate, e!" natatawa niyang biro.
Bagamat nakapagbida na siya sa Pedro Penduko, itinuring ni Matt na pinakamalaking project niya ang Iisa Pa Lamang. Unang-una raw kasi, dito siya nabigyan ng chance to work with big actors and actresses.
"Sobrang proud! Nagpapasalamat po ako unang-una kay Lord. Biggest break po talaga, grabe po, biggest break po talaga ‘to. ‘Eto po talaga, sobrang marami po akong matutunan dito."
GABBY'S ONSCREEN BROTHER. Dahil kapatid ni Gabby ang role niya sa Iisa Pa Lamang, most of his scenes ay kasama niya ang comebacking actor.
Ayon kay Matt, "On and off screen, sobrang kuyang-kuya ang dating! Ang galing na actor. Palaging ang aga po sa set. Never po na nale-late talaga. Napaka-professional po.
"Noong una pong eksena namin, actually nanginginig ako. Para akong tipong... Alam n'yo yung para akong batang-bata sa kanilang lahat sa taping. Actually, noong malaman ko po na makakasama ko si Gabby, medyo natensiyon na ako, kaya nagpapasok ako ng workshop."
LAUNCHING MOVIE. Sa ngayon, wala pa raw siyang nababalitaan kung mailo-launch din sa pelikula ang love team nila ni Melissa ‘tulad noong kina Gerald Anderson at Kim Chiu. Sa ngayon daw kasi, naka-concentrate pa sila sa Iisa Pa Lamang dahil mahaba pa ang itatakbo ng serye nila.
Bukod kay Melissa, sino pang ibang Kapamilya stars ang nakikitaan niya na posibleng may chemistry siya?
"Siguro po si Maja [Salvador], kasi 'kapatid' talaga ang tawag ko sa kanya," sabi ni Matt. Pero natawa ang young actor nang may magsabi na parang incest naman ang description niya.
Para kay Matt, si Melissa raw ang pinaka-best friend niya sa lahat.
"Marami akong close friends, pero, di ba nga po, isa lang ang best friend? Si Mel po yun," paglalarawan ni Matt sa closeness nila ni Melissa.
SHE'S NOT THE CAUSE. Itinanggi rin ni Matt ang mga naglabasang balita na si Melissa ang cause ng breakup nila ni Olyn Meimban.
"Wala pong kinalaman si Melissa," diin niya. "Although, siya po ang kasama ko araw-araw. Magka-text kami every day, pero hindi po talaga siya ang cause ng breakup namin."
Kung hindi si Melissa ang reason, may lumalabas na tipong career move on his part kung bakit sila nag-break ni Olyn. Totoo ba ito?
"Ang hirap din po kasi kapag halos wala na rin time. Siyempre, mas ang focus po yung work. Pero nagte-text pa rin naman po kami. Okey naman po kami, kasi maayos naman po ang breakup namin.
"Trabaho po talaga. Unang-una, siya rin po, nahihirapan din po siya dahil sa trabaho niya, ‘tapos nag-aaral pa po siya at SK Chairman din po siya ng barangay nila," lahad ni Matt.
Kung si Matt ang tatanungin, masasabi niyang mas enjoy siya ngayon sa pagiging single.

"Sa totoo lang po, ang saya! Mas okey. Kumbaga, mas focused ako sa trabaho ko ngayon," pagtatapos ng young actor na nadiskubre bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1.
Source: PEP
No comments:
Post a Comment