Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, July 14, 2008

Piolo Pascual's chance encounter with Juday and Ryan in Dubai


Masayang bumalik ng Pilipinas si Piolo Pascual dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy at European community sa pagpapalabas ng Dekada ‘70 sa 6th Paris Cinema Festival noong Hunyo. Si Piolo ang kauna-unahang Pilipinong aktor na naimbitahan sa naturang film festival.

"Maraming tao, ‘andaming Pinoy! It was an experience. I had fun presenting Dekada ‘70 to the French film enthusiasts," lahad ni Piolo nang salubungin siya ng The Buzz sa airport.

Ipinagpasalamat ni Piolo ang magandang pagtanggap sa Dekada ‘70, kung saan gumanap siya bilang panganay na anak nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Dito rin sa pelikulang ito, na idinirek ni Chito Rono para sa Star Cinema, naka-grand slam si Piolo bilang Best Supporting Actor noong 2003.

"Maganda raw yung feedback. The theater was jampacked and I hope they liked it. I hope the French people liked it."

CHANCE MEETING WITH JUDY ANN & RYAN. Naimbitahan din sa Paris Cinema Festival ang dating ka-love team ni Piolo na si Judy Ann Santos para sa pelikulang Ploning. Kasama ni Judy Ann na lumipad patungong Paris ang kasintahan nitong si Ryan Agoncillo. Ngunit hindi raw sila nagkita sa Paris. Nagkasalubong lang daw sila sa Dubai sa kanilang connecting flight pauwi ng Pilipinas.

Matatandaang nagkaroon ng gusot dati sa pagitan ni Piolo at nina Judy Ann at Ryan.

"Okey naman. Wala naman talagang problema," ngiti ni Piolo.

Tinanong ng The Buzz si Piolo kung totoo na binati niya sina Judy Ann at Ryan.

"We didn't get that far. Hi, hello lang. That's it," sagot ng aktor.

Iisang eroplano lang daw ang sinakyan nina Piolo, Ryan, at Judy Ann kaya sabay-sabay silang bumiyahe pabalik ng Pilipinas. Sa airport ng Dubai ay nagkasalubong na ang tatlo.

Ayon sa mga balitang kumalat, hindi raw nagpansinan ang magkabilang partido. Pero maagap na pinabulaanan ito ni Judy Ann.

"To make things clear walang isnaban na nangyari. Nag-hi, hello. Nag-apiran sila ni Ryan. Nagha-hi kami. So, wala akong nakikitang isyu doon sa nangyari. I think it was a nice gesture on both our parts, actually.

"I mean, it's finished already. Matatanda na kami para diyan, dyusko! Mga trenta na kami, di ba? Siguro ginusto rin ng Diyos, di ba? Magkita-kita kasi tapos na naman ang issue. Nakapag-usap na," pahayag ni Judy Ann.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes