Nakakatuwa itong si Anne Curtis dahil kahit napakahirap ng pinapagawa sa kanya sa regular tapings ng Dyosa, kinakaya niya ito at sa ilang ulit naming pagdalaw sa set nito, lagi itong nakangiti, maaliwalas ang mukha kapag kinakausap. Very positive ang pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya nang dalawin namin siya sa taping ng nabanggit na fantaserye ng Dos na magpi-premiere na sa August 11.
"Kinakabahan pa rin ako, pero hindi naman pressured," very confident na pahayag ni Anne nang madatnan namin sa Trinoma kahapon kung saan isang malaki at mahalagang eksena ang kinunan para sa Dyosa. Nasa cast din ang ibang mga artista like Zanjoe Marudo, Rubirubi, Mickey Ferriols, Maricar de Mesa, Jojit Lorenzo, at marami pang iba.
Patuloy niya, "Mas excited ako habang papalapit na yung pilot namin. Pinapanood na sa amin ang pilot episode at masaya kami sa resulta ng effects. Feeling ko, tatangkilikin naman ito, at sana nga, ma-appreciate ang pinaghihirapan namin."
Naitanong nga namin kay Anne kung ano ang bagong maikukuwento niya sa tatlong leading men niya ritong sina Sam Milby, Luis Manzano, at Zanjoe.
"Wala naman," sabi ni Anne. "Kasi, halos araw-araw ay nagkakasama na kami. Imagine, three times a week, nagkikita-kita kami sa taping ng Dyosa. Then, tuwing Sunday, sa live telecast ng A.S.A.P.
"Ang maganda talaga ay yung working relationship namin, dahil sanay na kami sa bawat isa. Walang nag-iinarte sa set. Walang nagbabago. Ganoon pa rin ang enthusiasm."
ALL-OUT FOR SAM. Kapansin-pansin ang presence sa audience ni Anne sa Araneta Coliseum nang idaos doon ang Blackout fashion show ng Bench noong Biyernes, July 25. All-out ang support niya kay Sam na napapabalitang boyfriend na niya.
"Ay, super-tili talaga ako!" natatawang sabi pa ni Anne. "Wala akong pakialam. Supportive din ako sa iba ko pang Kapamilya stars doon, pero ni-reserve ko ang all-out hysteria ko kay Sam.
"Definitely, Sam was the hottest one that night!"
Sa dinami-rami ng guys doon, why did she say so?
"Because I said so!" mabilis na sagot ni Anne sa tanong namin.
Agree rin kami kay Anne dahil nga bonggang-bongga ang body ni Sam sa fashion event na yun.
"He really worked hard for it," nasabi na lang ni Anne. "Pinaghandaan niya ang event na yun, and it paid off. Natatawa nga ako, kasi, kahit super na ang body niya, parang conscious pa rin siya sa pagrampa niya."
Para kay Sam kaya nagpunta si Anne sa Bench event kahit nga ini-endorse niya ang Freeway, another clothing brand?
"Nagpaalam naman ako sa Freeway kung okey lang. Okey naman daw, kaya naroroon ako," sabi ni Anne.
WHAT'S NEW? So, ano ang bago sa relasyon nila ni Sam?
"Wala. Ganoon na lang. Basta, ang masasabi ko lang, happy kami when we're together. We don't have problems."
Pero, naroroon din pala ang controversial ex-boyfriend niyang si Richard Gutierrez. Na-curious tuloy kami kung paano ang reaction niya sa paghantad sa rampa ng ex at present niya.
"Wala lang. Kapag si Richard ang nasa stage, wala na. Kasi, past na siya, di ba? Five years ago pa yun. As in, ano pa ba ang mararamdaman ko?
"Lahat ng nararamdaman ko ay nasa present na, kay Sam. I'm just happy with the present," deretsahang sabi pa ni Anne.

Source: PEP
No comments:
Post a Comment