Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Tuesday, July 29, 2008

Claudine Barretto and Angel Locsin settle miscommunication issue



Pagkatapos maglabas ng official statement ang ABS-CBN at Star Cinema Productions tungkol sa isyu sa pagitan nina Claudine Barretto at Angel Locsin, kinuha ng The Buzz ang panig ng dalawang Kapamilya stars.

Ayon sa report ng The Buzz, pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap sa harap ng ABS-CBN executives ng mga Kapamilya at malalapit na kaibigan noong July 23, inilatag nina Claudine at Angel ang kani-kanilang panig at damdamin. Ito ay upang malinawan ang lahat sa mga kaganapan nang magkita ang dalawang aktres sa isang salon sa Quezon City noong July 4.

Hindi man direktang sinabi kung ano ang talagang nangyari sa pagitan nina Claudine at Angel sa loob ngs alon, pinabulaanan ng parehong kampo ang mga lumabas na balita. Wala raw sigawang nangyari. Wala raw nanipa ng kahit anumang gamit. Wala raw nagtaas ng boses. Nagkaroon man daw ng kaunting tensiyon, naging seryoso naman daw ang pag-uusap ng magkabilang panig.

Sa naturang meeting, isa-isang inilatag ni Claudine ang kanyang mga saloobin at ganun din si Angel. Dahil dito, napatunayang parehong walang kasalanan ang dalawa. Nagkaroon lamang daw ng miscommunication at napalaki pa ng mga intriga.

Pagkatapos ng pag-uusap, natuwa raw ang mga kasama sa pagkakasundo ng dalawa at pagnanais na magsimula ulit bilang mag-Kapamilya.

Narito ang mga mensahe na ipinadala nina Claudine at Angel sa The Buzz:

Claudine: "Ipinagdasal ko ito na maaayos na ang gusot sa pagitan namin ni Angel. Matagal akong nanahimik pagkatapos ng pagkikita noon sa salon dahil ayokong lumaki ang isyu. Aaminin ko na naging masakit sa akin ang mga nabasa ko sa diyaryo na hinusgahan na ako. Noong isa-isa naming inilatag ni Angel ang mga isyu at saloobin namin, dito na nabigyang linaw ang lahat. At sa pagkakataong ‘yon, naging madali sa amin ang magpatawad anuman ang nangyari."


Angel: "Masaya ako at nagkausap at nagkaayos na kami. Sana matapos na po ang lahat na ito. Gusto ko pong pasalamatan ang ABS-CBN management sa pakikinig at pagtulong sa aming pag-aayos. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Masaya po ako na sa puntong ito ay maayos na akong makakapagpatuloy sa aking pagtatrabaho."


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes