Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Sunday, July 6, 2008

Claudine Barretto narrates kissing scenes in "Iisa Pa Lamang"


Naging emosyunal at tila lost for words ang female lead ng Iisa Pa Lamang na si Claudine Barretto matapos mapanood ang press preview ng bagong teleseryeng ito ng ABS-CBN.

"Naiyak! Naiiyak ako kanina, sobra! I think, after no'ng mga hospital scenes. Kasi, grabe yung pressure sa amin. Ang laki-laki ng budget ng soap na ito, so, talagang kahit puyatan na kami, parang naiisip ko, it's all worth it," unang pahayag ni Claudine nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng preview sa Cinema 2 ng The Block, sa SM North EDSA, Quezon City, kahapon, July 4.

Isa si Claudine sa mga reyna ng primetime series ng Kapamilya Network sa napakarami niyang teleseryeng nagawa in the past. So, ano nga ba ang pagkakaiba ng bagong serye niyang ito sa mga nakaraang series na nagawa niya?
"I think, ano...iba-iba kasi. I am just so blessed that I was trained by Direk Wenn Deremas. Na talagang sobrang istrikto niya. Disiplinado. Kung kaya't naging professional talaga ‘ko.

"At isa sa mga pangarap kong talaga, ang makatrabaho si Direk Ruel Bayani, [a co-director of Iisa Pa Lamang] so alam naman natin na lumipat siya [from GMA to ABS]. So, akala ko, hindi na kami magkakatrabaho. And then, ‘eto.

"It's also an honor for me dahil first time kong makakatrabaho si Direk Manny Palo na we all know, nag-aral pa sa India."

"GIVING IT ALL." Natawa naman si Claudine when asked about the write-ups na nagsabing "bumigay" raw siya sa kissing scene nila ni Gabby Concepcion.

"Ha-ha-ha! Hindi, hindi! Ibinigay ko siyempre ang lahat-lahat ko, kung ano ang kaya kong ibigay para sa viewers."

Mas natawa si Claudine sa reaksyon naman ng leading man na si Gabby Concepcion nang makarating dito na "bumigay" nga siya sa kissing scenes nila. Anito, "ibinigay ko rin naman ang sarili ko."

"Suwerte ko na lang!" natatawang pahayag nga ni Claudine. "Pero actually, thankful ako sa ABS-CBN at sa lahat, dahil sa akin napunta yung project. Parang...di ba, napakalaki na nakasama ko pa sina Ms. Susan Roces, Laurice Guillen, Cherry Pie Picache...Hanggang ngayon, sobrang-overwhelming!"

THE WINE HELPED. Parehong naka-love scene ni Claudine sina Gabby at Diether Ocampo, pero sa dalawa raw, kay Diether siya nailang noong una.

"Of course! Sabi ko nga, ‘Ano ba ‘yan, parang ang hinahalikan ko, kapatid ko!' Mas doon ako nahirapan," pag-amin niya.

Ang ginawa raw tulong sa kanya ni Diether para mawala ang ilang factor niya ay niyaya siya nitong uminom ng wine.

"Uminom siya ng wine. ‘Tapos ako, uminom din, kalahating baso lang. Ewan ko nga ba, kasi pagkatapos kong manganak, matagal ka nang hindi nakakainom, so, parang nalasing na ‘ko agad sa kalahating wine pa lang."

RAYMART IN THE PREVIEW. Samantala, present din sa press preview ang kanyang asawa na si Raymart Santiago. Naitanong nga ng PEP kay Claudine kung ano ang reaction ng asawa pagkatapos nitong mapanood ang mga passionate love scenes niya with Diether?

"Napanood na niya yung Kailangan Kita at saka Nasaan Ka Man, hindi na ko nagpapaalam sa kanya. And meron kaming....hindi ko maintindihan kung anong respeto. Trust sa isa't isa. Maybe because of counseling, you know. Na even if, ibinibigay ko ang lahat ko bilang isang artista, palagi akong nagdarasal to keep us away from temptation. Kasi, iba ‘yan, e...iba yung tina-try mong i-block and you know... God's grace talaga."

Dati-rati, kilala si Raymart sa ugali nitong conservative at seloso sa kanyang mga naging girlfriend. Ayon naman kay Claudine, tingin daw niya, nawala na yun sa asawa.

"Oo, e! Balita ko rin yun, e, seloso nga raw!" natatawang sabi ni Claudine. "Pero, sabi ko nga, mukhang sa akin naman, hindi yata nagseselos kahit na kanino. But of course, I'm happy. I feel secure na secure ako."

Dugtong pa niya, "Sobrang happy ako na nandito siya to support me. Hayan nga, nauna pa nga sa akin, e. Sobrang supportive niya."

Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes