Habang nasa Europe ang magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pinag-usapan nang husto ang kanilang engagement na unang lumabas sa YES! magazine. Bukod dito, naging malaking isyu rin ang pagtanggap ni Juday sa infomercial ng Meralco tungkol sa mainit na isyu ng systems loss.
Generally ay naging negatibo ang naging pagtanggap ng publiko sa infomercial na ito ng aktres. May mga ilang sector pa nga ang nagbanta na ibu-boycott ang mga commercial, TV show, at pelikula ni Juday bilang protesta sa kawalang simpatiya diumano nito sa paghihirap na dinaranas ng taong-bayan dahil sa ginagawa ng Meralco.
Dahil wala nga sa bansa noon si Juday, hindi niya naipagtanggol ang kanyang sarili, lalo't kumalat noon ang usap-usapan na mismong si Judy Ann daw ay hindi naiintindihan ang ipinapaliwanag tungkol sa systems loss.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Juday bago siya umalis ulit ng bansa patungong Paris kasama si Ryan, ipinagtanggol niya ang kanyang sarili sa mga batikos na natanggap niya.
"Nirerespeto ko kung anuman ang opinion ng iba't ibang mga tao," saad niya. "Nagpapasalamt din ako sa mga journalists, mga congressman at senador na nag-explain ng side ko habang wala ako dito. Natutuwa din ako sa mga tao na nakakaintindi ng infomercial.
"Ang sa akin lang, ginawa ko yun dahil naiintindihan ko kung ano ang ginawa ko. Hindi ko sinabi na magpakabit kayo ng aircon or something. Hindi ko inendorso ang Meralco, tumulong lang akong magpaliwang ng isang bagay na hindi masyadong maliwanag sa taong-bayan. Hindi ko pinipilit na maniwala sa akin, it's still their opinion. If it's their opinion na hindi maniwala at magwelga pa rin sa Merlaco, it's okay, naiintindihan ko yun."
Sa banta naman na ibu-boycott daw ang mga ini-endorse niyang mga produkto at palabas, heto ang naging pahayag ng aktres:
"Ang hirap magsalita tungkol diyan, pero kung opinion nila yun, kung sa palagay nila ay makakaluwag sa dibdib nila ang paggawa ng ganun, hahayaan ko sila. Pero sana huwag namang umabot sa ganun kasi ang gusto ko lang naman ay makatulong sa pagpapaliwanag. Wala akong masamang ibig sabihin sa ginawa ko," pahayag ni Judy Ann.
CONTROVERSIAL ENGAGEMENT. Balita rin na sa nangyaring engagement nila ni Ryan ay marami ang nagtampo sa kanila dahil parang inilihim nila ito sa ilang malalapit na tao sa buhay nila. Lumabas ang pangalan ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo na isa sa sumama ang loob dahil naturingan daw na manager cum discoverer ng aktres ay hindi raw sinabihan ni Juday.
Paliwanag ni Juday, "Si Tito Alfie, kausap ko siya nito bago ako umalis. I talked to him and I said sorry. Sasabihin naman namin talaga sa kanya. It's just that nung nandun kami [Europe], pumutok yung issue dito sa akin. Medyo, ‘Teka muna, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.' Nag-iisip ako kung ano ang mga dapat kong gawin, so nakalimutan kong i-bring up sa kanya yung engagement. But of course, hindi namin itatago sa kanya.
"Dun sa sinasabi nilang inilihim daw namin at nanahimik kami, unang-una kasi, siyempre aalis din kami for the European trip and at the same time, gusto ko rin naman kasing namnamin yung moment. Like nga ng sinabi ko sa YES!, nung time na yun, ang gulo-gulo. Nagpa-interview ako sa YES!, kinabukasan aalis na kami. Sabi ko nun, ‘Sige pagbalik ko dito, isang magandang pasalubong dun sa mga tao na puwede kong iklaro ang lahat.'"
SECRETLY MARRIED. Lumabas din ang balita na secretly married na raw ang dalawa sa Europe at sa November 5 naman daw ang pagpapakasal talaga ng dalawa na hindi ililihim sa lahat. Agad naman itong nilinaw ni Juday.
"Kung sa Las Vegas nga na puwedeng-puwede na kaming ikasal, hindi namin ginawa yun. Kagaya nga ng sinabi namin, hindi namin kakayanin na wala ang pamilya namin sa espesyal na araw na yun.
"Regarding that November 5, hind namin alam kung saan galing ‘yang balita na ‘yan. November 5 is birthday of my pamangkin Jasper. Sa totoo lang, hindi pa kami nagpaplano kasi hinihintay pa ni Ryan na sabihin ko sa kanya, ‘Halika, planuhin na natin,'" saad ni Judy Ann bilang pangwakas.

Source: PEP
No comments:
Post a Comment