Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Monday, July 28, 2008

Author Bibeth Orteza discovers Dolphy's greatness while writing his book


Sa mga panayam ng King of Comedy na si Dolphy, paulit-ulit niyang sinasabi ang pangalan ng anak na si Eric Quizon at ni Bibeth Orteza na siya raw naghirap para maging posible ang libro niya, Dolphy, Hindi Ko Ito Mararating Mag-isa.

Sa nakaraang book launching at 80th birthday celebration ng ace comedian na ginawa sa NBC Tent, dumating ang mga kilala at malalapit na tao kay Dolphy.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bibeth, na may-akda ng libro, sinabi niyang ang presence ni Mang Dolphy sa industriya ang isa sa dahilan kung bakit sa kabila ng mga problema at mga pinagdadaanan ng ating bansa ay ipinagmamalaki pa rin niya ang pagiging isang Pilipino.

"Sana sa pamamamgitan ng librong ito, malaman ng sambayanang Pilipino kung sino talaga si Dolphy at kung ano talaga ang nagawa niya sa Pilipinas. Para sa akin, isa siya sa mga dahilan kung bakit patuloy kong ikinararangal na isa akong Pilipino despite of the ups and downs ng ating lahi," pahayag ni Bibeth.

Sa mga papuring tinanggap ng isinulat niyang libro, nagbiro pa sa amin si Bibeth na sa sobrang saya niya sa mainit na pagtanggap dito, pakiramdam niya ay tinubuan siya uli ng panibagong boobs pagkatapos itong alisin sa isang operasyon. (Si Bibeth ay isang breast cancer survivor.)

"Sa dami ng mga pumunta at nakisaya sa amin ngayong gabi, natutuwa ako dahil ibig sabihin nito na maraming bibili ng libro, marami ang makakaalam ng kuwento ng buhay ni Tito Dolphy. Ang kuwento ng buhay niya ay kuwento rin ng buhay ng Maynila, nakaktuwa na maraming makakabasa."

Sa pagsusulat niya sa autobiography ng Comedy King, marami raw nadiskubre si Bibeth na higit na nagpataas ng respeto at pagtingin niya sa hinahangaang komedyante.

"May mga bagay na talagang consistent siya tulad ng huwag manakit ng kapwa, ayaw niyang sabihin kung sino particular ang mga natulungan niya. Ayaw niya ring sabihin kung sinu-sino ang mga nakaniig niya kasi di siya kiss and tell, gentleman siya all throughout," pahayag ni Bibeth.


Source: PEP

No comments:

Kapamilya Breaking Buzzes