Marami ang naintriga sa totoong katauhan ng mayor na ginampanan ni Phillip Salvador sa special episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK), na mapapanood na tuwing Sabado starting July 19. Galing kasi sa letter senders ang mga itinatampok na istorya sa MMK kaya curious ang entertainment press kung sino ang naturang mayor.
Pero bago pa man sila uriratin ng kung sino ba ang mayor na ginagampanan ni Ipe (palayaw ni Phillip), nagpauna na ang ilang cast ng naturang episode ng Maalaala Mo Kaya na patay na ang naturang mayor, although prominent daw ito during his term.
Bilang mayor, naging kabit ni Ipe rito si Gretchen Barretto na isa naman niyang constituent at may asawa na. Although ayon kay Phillip, kumpara sa dalawa niyang best friends na sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada, ang pulitika raw ang hindi niya pinaplanong pasukan sa ngayon.
"It's not really my line. Although I ran for Vice Mayor, pero hindi siguro para sa akin. Kasi kung para sa akin, basta gusto Niya, siguradong mangyayari. Kapag hindi Niya gusto, meron Siyang ibang purpose sa atin," pahayag ni Ipe na isang evangelist ng isang Christian group sa presscon ng Maalaala Mo Kaya kahapon, July 14.
GRETCHEN'S PICK. Personal choice daw talaga ni Gretchen si Phillip na makasama niya sa comeback niya sa pag-arte via MMK. Laking gulat nga raw ni Greta nang malamang tinupad naman ng MMK ang wish niya.
Kuwento ni Phillip, "It's like this, noong wake ni Daboy [Rudy Fernandez], nagkita kami ni Greta. Sabi niya, ‘Kuya Ipe, may gagawin ka ba sa ABS?' Sabi ni Malou [Santos] sa akin, meron akong teleserye, pero wait lang ako. Pero definitely raw, magkakaroon ako.
"Tapos sabi ni Gretchen, ‘Kasi, Kuya Ipe, meron akong MMK. Sana tayong dalawa so you could help me out.' Sabi ko, ‘Pambihira ka naman! All you need is a good director. At saka kailangan talaga, naka-focus ka, ha, baka mamaya niyan, laro-laro lang sa ‘yo ‘yan! Kung gagawa ka ng MMK, definitely challenging ‘yan. Hindi mo puwedeng i-ano ‘yan... Ikaw rin, alam mong mga suplado-supladita ang mga press natin, titirahin kang talaga kapag may nakita sa ‘yo. ‘
"‘Tapos, [ang] tagal ko na rin naghihintay ng MMK kaya sabi ko, padala n'yo nga sa akin ang script. Nang mabasa ko, I fell in love with the character right away! ‘Tapos, nasabi ko, ang ganda rin ng role ng mag-asawa. Hindi ko alam na sina Tonton [Gutierrez] at Gretchen yun. May schedule na ako when I found out that it was Gretchen who will play Margarita. So I told them, don't tell her!
"Nagme-makeup si Greta nang mag-hi ako. Bigla siyang, ‘'Oh my god! Oh my god! My Mayor!' Yakap siya, e! ‘Tapos sabi ko, ‘Natuloy rin ang pinag-usapan natin sa wake ni Daboy.' Then she said, ‘No, I really asked for you but they said, you're not available,'" natatawang kuwento ni Phillip.
Totoo bang kinu-coach daw ni Phillip ang acting ni Gretchen sa MMK?
"Tumutulong lang naman ako," sambit ng aktor. "Nagtutulungan naman kami ni Direk [Nuel Naval], kasi ayaw namin siyang mawala sa focus niya. I was telling her, ‘Greta, napakagandang project nito.' At saka, sabi kong ganoon, ‘Greta, huwag kang mawalan ng focus dito. Huwag mong iwatak ang utak mo sa iba.' Ang hirap magkaroon ng ganitong role, ng ganitong ka-challenging talaga."
Nakita raw niya ang malaking improvement ng acting ni Gretchen from before.
"Malayo, napakalayo sa ginawa naming dalawa noon for TV. Ngayon, mas makikita mo na meron na siyang focus sa ginagawa niya."
CRISTINA & REY. Kung matatandaan, nasangkot sa isyu at demanda si Phillip Salvador sa businesswoman na si Cristina Decena noon. Now, there's a rumor na sina Cristina at Rey Malonzo naman daw ang nag-aaway. Ano ang masasabi ni Phillip sa bagay na ito?
"Well, I don't think I should comment on that," maingat niyang sabi. "But whatever it is sa kanilang dalawa, sana nga ay maayos din dahil ayoko na magkaroon pa ng gulo ang bawat pamilya, ng pamilya ng ibang tao."
Napa-"Alam mo, maganda itong MMK namin!" na natatawa si Ipe when PEP (Philippine Entertainment Portal) asked him na dati ay may impression na sina Cristina at Rey ang magkakampi sa kanya.
"God is doing something. As far as I know, God is doing something. And kung anuman yun, hindi ko alam. So, ako lang, ayoko na lang magkagulo pa kung anuman yung ano nila. All I want is all people to be happy, all people to move on kung anuman yung mga naging problema."
Hindi naman daw siya nagiging masaya sa problema or gusot ng iba.
"Kapag naging happy ako for that, para bang nagpu-push pa ako. Hindi ako ganoon, e. I have kept my mouth shut. I've been quiet all the time. All I want is to praise Him. Praise God. At saka ako, kung sa away, wala akong gustong kaaway. Wala akong gustong kagalit. Lahat, ang gusto ko, in harmony," pagtatapos ni Phillip.
Source: PEP

No comments:
Post a Comment