Kahapon, July 28, opisyal nang pinangalanan ng ABS-CBN ang Studio 1 nila bilang "Dolphy Theater."
Maliban kay Mang Dolphy, lahat ng dumalo kahapon ay aware sa magaganap na pagpapangalan ng Studio 1 sa Comedy King bilang pagbibigay-pugay sa kanya ng Kapamilya network, kabilang na ang halos lahat ng ABS-CBN executives headed by Mr. Gabby Lopez at maging ang mga anak ni Mang Dolphy gaya nina Epi Quizon, Sally Quizon, Vandolph, at Dolphy Jr.
Nang ina-announce ni Edu Manzano, na nagsilbing host ng gabing yun, na ang Studio 1 ay opisyal nang magiging Dolphy Theater lang nalaman ni Mang Dolphy ang talagang event na ipinunta niya sa ABS-CBN. Buong akala raw niya ay may isu-shoot lang siya.
Kitang-kita ang pagkagulat at talagang umiyak si Mang Dolphy nang mag-sink in na sa kanya kung ano ang kaganapan, lalo na nang makita niya sa audience ng Studio 1 ang lahat ng executives ng Kapamilya network na naka-formal attire talaga, gayundin ang presence ng ilan sa kanyang mga anak.
Sa Studio 1 ay naka-display rin ang mga larawan ni Mang Dolphy na kinunan ng ace photographer na si Jun de Leon.
Bilang tribute din kay Mang Dolphy, ipinalabas sa Dolphy Theater kahapon ang isa sa mga luma niyang pelikula na iprinodyus ng kanyang RVQ Productions, ang Facifica Falayfay. Posibleng maging regular nang kaganapan sa loob ng Dolphy Theater ang pagpapalabas ng mga lumang pelikula ng Comedy King.
Pinalad naman ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Mang Dolphy after ng maikling programa ng pagsasalin sa kanyang pangalan ng naturang studio. Ayon sa Comedy King, talagang nasorpresa raw siya nang husto sa lahat ng nangyayari sa kanya lately.
"Na-shock ako!" hindi pa rin niya makapaniwalang sabi. "Sobrang tuwa talaga. Naluha nga ako at hindi ako makapagsalita. Pero, siyempre, ikaw ba naman yung binigyan ka ng pangalan dito sa ABS-CBN, panghabambuhay na yun!"
Kuwento pa ng Comedy King, "Ang sabi nila, emergency taping lang daw, e, hindi pala. Tinatanong ko, ‘Basta, bihis ka.' E, naka-rugged lang ako kanina dahil umuulan pa. Nagulat din ako na nandoon ang mga anak ko."
Para kay Mang Dolphy, napaka-espesyal ng 80th birthday niya dahil kailan lang ay ni-launch ang kanyang autobiographical book, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa. Ngayon naman ay ang pagpapangalan ng isang studio sa kanya. At sa July 31 ay bibigyan din siya ng ABS-CBN ng tribute na gaganapin sa Meralco Theater.
"Well, sa tingin ko, pinaka-espesyal na 'to. May libro ng buhay ko, may foundation na binuksan. At ito, ‘tapos meron pa sa 31. Puwera pa yung birthday ko noong Biyernes [July 25], so talagang nagkasunud-sunod, e," masayang sabi ni Mang Dolphy.
Abot-abot naman pasasalamat ng Comedy King sa ABS-CBN.
"Well, ang mensahe ko talaga ay tumagal pa ito ng maraming-maraming taon pa... Isandaan, dalawang daan taon. Mag-takeover na kung sino pa sa generation ng Lopez, magtuloy-tuloy sila. Sapagkat maraming matutulungan ito, hindi lang mga artista kundi maging mga mamamayan. Nalalaman kung ano ang nangyayari sa mundo. Kung sino ang agrabyado, kung sino mga nagnanakaw, nalalaman lahat dito, lalo na sa media. Kaya ang dalangin ko talaga, magpatuloy. More power and God bless this station, magpatuloy pa."
At saka nga niya isinunod na, "At kung maaari pa, magkasundo na ang mga network. Gusto ko magkasundo pa sila. May chance pa, naniniwala ako. Kailangan lang siguro na tama lang ang padrino na gagawa noon."
On his 80th birthday, may mahihiling pa ba siya?
"Wala na sa akin, sa sarili ko, wala na. Sa pamilya ko na lang, sa mga anak ko, sa amin ni Zsa Zsa [Padilla, his life partner]."
Sayang nga lang daw at hindi na-witness ni Zsa Zsa ang lahat ng mga surprises sa kanya simula pa ng book launch dahil sa natanguan na nitong commitment abroad.
"Wala, e, may contract kasi yun. Hindi rin naman niya alam ang mga surprises na ito. Kahit yung book launch, hindi rin niya alam na sa petsang yun na pala, lahat talaga surprise. Yung anak nga namin, sumunod na rin sa kanya ro'n," paliwanag ni Mang Dolphy.
Sa huli, dahil sa pagsasalin sa pangalan niya ng Studio 1 ng ABS-CBN, posible kayang mabura nito ang mga nababalitang plano niyang paglipat sa kabilang network?

"Hindi siguro, sinelyuhan na ako. Nakaselyo na, e!" masayang pahayag niya.
Source: PEP
No comments:
Post a Comment