Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Thursday, May 29, 2008

Sheryn Regis: Recession, calamity, and bickering producers affected ticket sales of U.S. concert tour

Ayon sa isa sa mga guest ni Erik Santos sa nakaraang Erik Santos, U.S. Tour Live, na si Sheryn Regis, ang kasalukuyang recession sa U.S., a natural calamity at ang problema among the producers of the concert tour ang ilan sa mga dahilan kung bakit di nga masyadong tinao ang kanilang concert tour.

"Di man masyadong maraming tao, but yung pagtanggap is okay. The reason why kaunti ang tao kasi recession sa America and then yung ibang lugar din naman tulad ng Juno, Alaska, kaunti lang ang tao dahil sa avalanche na nangyari sa kanila. Times five ang babayaran nila sa kuryente.

"I can say na may mga nanood talaga. Di naman siya ganun kapangit. I'm still proud of Erik na mayroon talagang sumusuporta sa kanya. May mga place na it's like 60 percent or 50 percent of the people, at least di naman kami nagkatao lang ng 82 people. At least wala kaming ganun."

Nakarating din pala kay Sheryn ang balita na nagkasiraan daw ang mga producers ng shows, to think magkakaamag-anak pa mandin ang mga ito. Pero sa kabila nito ay hindi naman sila nagpaapekto ni Erik sa lumabas na balita.

"May nakarating sa amin na may ganyan nga raw na nangyari, na kesyo di raw kami matutuloy, 'wag kaming panoorin. Narinig namin yun ni Erik pero di kami nagpa-affect. Ang focus namin ay makapag-perform and mapasaya namin yung mga kababayan natin doon."

She also agreed na may punto ang sinasabi ng iba na namamahalan nga raw ang iba sa tickets. Para kay Sheryn, kahit magbaba siya ng presyo ng ticket kung siya ang magso-show ay okey lang basta ba marami ang manood.

"I think mahal talaga, nagre-range siya from $128, $125. Mahal talaga, e. Recession nga ngayon dun. Sinabi ko nga kung ako ang magsu-show, okey lang sa akin kahit mura basta marami ang manood, okey na, ‘di ba?"

WORKING WITH DOLPHY. Nabalita noon na kasama si Sheryn sa isang serye na gagawin sana ng King of Comedy na si Dolphy sa ABS-CBN, pero ngayon ay parang wala nang balita tungkol dito. Kahit si Sheryn ay wala gaanong masabi tungkol dito. Ibinalita rin sa amin ni Sheryn na may mga out-of-the country shows din siyang gagawin, bukod sa lalabas na ang kanyang fourth album under Star Records.

"It's Utoy [title of the show na gagawin niya with Dolphy]. Actually, di ko alam kung ano na ang nangyari. Na-move siguro because of the casting or whatever. ‘Tsaka may mga nire-revise yata. Sana matuloy kasi Tito Dolphy yun and I really want to work with him."

Ibinalita na lang ni Sheryn ang mga darating pang proyekto niya in the coming months.

"Pupunta rin ako sa Europe, Denmark, Switzerland, Finland. I will also have my fourth album this June under Star Records."


MORE UPCOMING CONCERTS HERE AND ABROAD UNLIKE OTHERS (WHO ARE THEY?), WHO'S JUST CONTENTED WITH THEIR STUDIO CONCERT. OH, I'M SO SORRY, MAY CONCERT DIN NAMAN PALA SILA ASIDE FROM THEIR STUDIO, MERON DIN SILA SA MAY BAKURAN NG BUILDING NILA.


Source: PEP

No comments: