Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Wednesday, May 28, 2008

Celebrities attend world premiere of "Caregiver"

Premiere night pa lang ay maituturing nang another hit from Star Cinema ang pelikulang Caregiver na ginanap sa dalawang sinehan ng SM Megamall kagabi, May 27. Maituturing na yatang pinaka-star-studded ang naganap na world premiere ng Caregiver dahil more than 20 celebrities ang namataan ng (PEP) Philippine Entertainment Portal sa loob ng Cinema 10.

Wala pa man ang bida ng pelikula na si Sharon Cuneta ay nakaupo na ang kanyang ina na si Mrs. Elaine Cuneta sa loob ng sinehan. Nang dumating ang anak ng Megastar na si KC Concepcion ay naupo na ito sa tabi ng kanyang lola.

Bagamat dalawang sinehan na ng Megamall ang inokupahan ng Star Cinema, hindi pa rin nagkasya sa dami ng taong nanood. In fact, bukod sa nakatayo na ang karamihan sa orchestra section, sa balcony naman ay halos wala nang madaanan sa magkabilang gilid ng mga hagdan. Kahit nga ang direktor ng pelikula na si Chito Roño ay naupo na lang sa may hagdanan kahit may naka-reserve naman na upuan para sa kanya.

Maaga pa lang din ay nasa loob na ng sinehan ang ilan pa sa cast ng Caregiver gaya nina Rica Peralejo, Makisig Morales, John Manalo, at Arron Villaflor; pati na ang ilang celebrity guests like John "Sweet" Lapus and Vhong Navarro.

Nandoon din si Ms. Boots Anson-Roa na gumanap naman bilang mother-in-law ni Sharon sa movie.

Sunud-sunod na halos nagsidatingan ang iba pang mga artistang nanood ng premiere night: Gerald Anderson and Kim Chiu; Bayani Agbayani who came with his three daughters, na nag-stay at sumama hanggang sa late dinner party sa Holiday Inn; Ara Mina; Direk Rory Quintos; Phillip Salvador; Beth Tamayo; ang mag-iina na sina Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, at Raymond Gutierrez with one of Annabelle's talents na si Ehra Madrigal.

Hindi nagtagal, dumating na rin si KC na hindi nakalimot bumati at makipag-chikahan sa Gutierrez family. Si KC ang leading lady ng kakambal ni Raymond na si Richard Gutierrez sa dalawang pelikulang gagawin nila together—one for Star Cinema and one for GMA Films.

Dumating ang leading man ni Sharon sa pelikula na si John Estrada kasama ang kanyang Brazilian girlfriend na si Priscilla Meirelles. Ang ilan pang couples na namataan ng PEP ay sina Julius Babao at Tintin Bersola at sina Mickey Ferriols at Archie Alemania.

Malapit naman na halos magsimula ang pelikula nang dumating ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez. Ngayong araw, May 28, ang kanilang wedding anniversary and they chose to spend the eve of their anniversary sa premiere night ng Caregiver.

Of course, hindi nawala ang bida ng Caregiver na si Sharon Cuneta na dumating with husband Senator Francis "Kiko" Pangilinan. Ayon kay Direk Chito sa kanyang short message before the start of the premiere, si Sharon "ang puso ng pelikula."

Bukod sa mga artistang nabanggit, kitang-kita rin ang malaking suporta ng mga executives ng ABS-CBN at Star Cinema headed by the network's president Charo Santos-Concio, along with Malou Santos, Cory Vidanes, and Chit Guerrero.

It was also an event na hindi lamang mga production people ng Kapamilya network ang present. Ilan sa production at creative people ng GMA-7 at GMA Films ay nakita rin ng PEP na winelcome ng Star Cinema people.

Sa naging short message nina Direk Chito, John, at Sharon before the start of the premiere showing, pare-pareho pa ring emosyonal ang tatlo. Nagpasalamat din sila sa lahat ng may kinalaman sa Caregiver, lalo na ang mga tao ng Star Cinema na ayon kay Direk Chito, "sa hirap at ginhawa, busog-gutom, puyat at pagod" ay kasama nila.

Mukhang sulit naman lahat ng paghihirap ng bumubuo ng Caregiver dahil ginawaran ito ng rating na A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Unanimous daw ang 12-member panel ng CEB sa kanilang desisyon na bigyan ng pinakamataas na rating ang pelikula ng Star Cinema.

Ngayong araw, May 28, magbubukas sa mga sinehan ang Caregiver.


Source: PEP

No comments: