Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Thursday, May 29, 2008

Jericho Rosales and Kristine Hermosa reunite in an episode of "Maalaala Mo Kaya"

Nakatanggap ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 29, tungkol sa pagpayag ng young actor na si Jericho Rosales na muling makatrabaho ang ex-girlfriend at dating ka-love team na si Kristine Hermosa. Ayon sa text message, "It's official...Jericho Rosales & Kristine Hermosa will be featured once again in a special episode of Maalaala Mo Kaya. Echo just said yes!"

Maaalalang nabalita na ang tungkol sa pagsasama ng ex-couple sa isang soap ng ABS-CBN. But that time, hindi pa masyadong solved pareho sina Jericho at Kristine. Isa nga raw sa kanila ang hindi masyadong interesado sa planong pagsamahin sila na hindi tinukoy kung sino.

Inalam agad ng PEP sa isang source na may kinalaman sa proyekto kung kailan magte-taping sina Kristine at Jericho, kung kailan ang airing, at sino ang direktor sa kanilang reunion project. Ang sagot sa PEP, hindi pa umabot sa ganun ang usapan. Storyline pa lang daw, pero ipaaalam din agad.

Sunod na tanong ng PEP sa source kung susunod sa Maalaala Mo Kaya ang soap nina Kristine at Jericho at pelikula sa Star Cinema. Ang natanggap na sagot namin ay mauuna ang pelikula at saka isusunod ang soap.

Kababalik lang ni Jericho mula sa Malaysia para sa taping ng soap na A Time For Us nila ng Malaysian actress na si Carmen Soo. Noong isang araw lang daw na-present sa kanya ang mga susunod niyang projects sa ABS-CBN. Kasama nga rito ang episode sa MMK, soap, at movie.

Curious lang ang PEP, kung nagkataong hindi nag-break sina Jericho at Heart Evangelista at kung sina Kristine at Diether Ocampo pa rin, naging posible kaya ang reunion nina Jericho at Kristine?


A COME BACK SURE HITS TAMBALAN...OKAY LANG YAN ECHO FORGET ABOUT HER (HER, THE ONE WHO PULL DOWN YOUR CAREER?!?!? SINO KAYA SIYA? H.E?)

Source: PEP

No comments: