Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Thursday, May 29, 2008

Erik Santos admits to rumor that U.S. concert tour not very successful but successful

Isang buwang nawala si Erik Santos, nawala sa ASAP dahil nag-concert tour siya sa U.S. kasama sina Sheryn Regis, Pooh, Denise Laurel, and John Prats.

Pero hindi pa man dumarating noon sa bansa sina Erik ay may lumabas nang bali-balita na hindi raw gaanong naging successful ang concert na ito ng tinaguriang "Prince of Ballad" dahil sa umano'y pagsisiraang nangyari among the producers of his concert tour.

Ayon sa lumabas na balita, magkakamag-anak ang mga nasabing producers ng show ni Erik, pero di raw nagkaintindihan kaya nauwi sa pagsisiraan. Dahil sa nangyari ay naapektuhan tuloy ang promotion and ticket selling ng kanyang tour.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Erik sa set ng ASAP, hindi naman nito itinanggi na may shows talagang di gaanong kinagat ng tao, pero may mga shows din naman silang naging successful at sinuportahan naman talaga ng mga kababayan natin sa Amerika.

"Yung sa Juno, Alaska, medyo di ganun karami ang tao, kasi di masyadong na-promote yung show. Walang tigil kasi yung ulan, province pa yung lugar. Pero okey lang naman, kasi nag-enjoy yung mga tao. The rest naman, they're all okay.

"Sa ibang places like sa Washington, okey naman, we're almost sold out."

Nakarating din daw sa kanila ang kumalat na balita about his tour. But as a performer, Erik says he always gives his best, kaunti man o marami ang taong nanonood.

"Sa akin kasi, problema nila [producers] yun. Ako, di ko na inalam kung ano ba talaga ang nangyari. Basta ako kasi, performers lang kami, ‘tsaka same effort ang binibigay ko, kahit kaunti o marami man yung tao.

"Sa pagkakaalam ko rin, isa ang promoter, pero may mga local producers."

FUN WITH COMPANIONS. May ganito mang balitang umikot habang wala sila sa Pinas, nag-enjoy naman daw nang husto si Erik dahil super enjoy siya sa mga naging kasama niya.

"Almost a month kaming magkakasama—ako, si Sheryn, si Pooh, si John, si Denise—nagkaroon talaga kami ng bonding."

A few Sundays ago ay pormal nang ipinakilala ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central ang foreigner boyfriend niyang si Bobby Ortega. Nagkakilala raw sila nito nang minsang magkaroon ng business trip sa Hongkong.

NO MORE RUFA MAE TALK, PLEASE. Hiningan namin ng pahayag si Erik about this at sinabi sa kanyang tila kaybilis naman yatang napalitan agad ni Rufa Mae si Erik sa buhay niya.

"Tama na, anything about P-chi [Rufa Mae's nickname], ayoko nang pag-usapan. Kasi sobrang nada-drag na yung pangalan namin sa isa't isa. Ang tagal nang tapos nung sa amin," pakiusap ni Erik sa amin.

"Anything about her, ayoko nang magbigay ng anumang comment. Nakakasawa na yung paulit-ulit ka na lang nag-e-explain nang nag-e-explain, e. May sariling buhay yung tao.
"Basta alam naman niya na I always wish her happiness. At kung may gusto man akong sabihin sa kanya, sasabihin ko yun nang diretso sa kanya at di sa ibang tao."


"OKAY LANG YAN, SUCCESSFUL NAMAN DI LANG VERY SUCCESSFUL. ATLEAST MAY CONCERT PA DIN DI TULAD NG IBA JAN NA PURO STUDIO CONCERT LANG AT PURO STAFF ANG NAG-STANDING OVATION?!?!"

Source: PEP

No comments: