Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Wednesday, May 28, 2008

John Estrada happy for positive reviews of "Caregiver"

Masaya rin ang aktor na si John Estrada sa naging resulta ng premiere night ng pelikulang Caregiver na ginanap sa Cinema 9 and 10 ng SM Megamall kagabi, May 27. Nakadagdag pa nga raw sa kasiyahan niya nang malaman niyang graded A ng Cinema Evaluation Board ang kanilang pelikula.

"Masaya! Masaya talaga! Kagabi [May 26] lang nga namin nalaman na graded A yung pelikula. You saw it and then, you know... Actually, marami pa kaming naputol dun, kasi mahaba naman nang masyado. Pero masaya...masaya, sobra!" pahayag ni John nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi sa late-dinner party ng Caregiver sa Holiday Inn.

Maging si Chito Roño na direktor ng Caregiver ay nagsabing magaling si John sa pelikula. Ano ang reaksiyon dito ni John?

"Masaya ako!" bulalas ng aktor. "Siyempre, si Direk Chito ang nagsabi no'n. I think, he's happy with my performance, so masayaa ko."

Ang pelikulang Caregiver ng Star Cinema ang masasabing mag-aakyat kay John sa estado ng leading man sa pelikula, lalo pa nga't he's paired with no less than Megastar Sharon Cuneta. Gumaganap sila bilang mag-asawa sa pelikula.

After ba ng Caregiver ay mas magiging extra-careful na si John sa mga susunod niyang projects?

"Well, nang magsimula naman akong gumawa ng soaps sa ABS-CBN, pinipili ko na talaga ang mga role ko. May nakita pa ba kayong katarantaduhang ginawa ko? May nakita pa ba kayong pangit na ginawa ko? Ako naman, kahit character role, basta maganda, basta trabaho. Alam n'yo naman na maraming artista na walang trabaho, di ba?" pahayag niya.

Para kay John, ngayong tapos na ang shooting at promotion nila ng Caregiver, sigurado raw na mami-miss niya ang mga nakasama niya sa pelikula.

"Mami-miss ko yung grupo. Naging magkaibigan talaga kaming lahat. Especially with Sharon, Direk Chito, naging maganda ang bonding namin sa London, e."

Kasama ni John sa premiere night ng Caregiver ang kanyang girlfriend na si Prisicilla Meirelles, who just came from Brazil. Supposedly ay kasama si John sa bakasyon ni Prisicilla sa kanyang bansa para personal na ring ma-meet ng aktor ang mga magulang ng beauty queen. But because of their movie, hindi natuloy si John.

After watching the premiere of Caregiver, masasabi ba ni John na worth it na pinili niya ang trabaho over the chance to be with his girlfriend's country and family?

"No...no...no... Ang usapan talaga namin doon, after shooting sa London, susunod ako. Pero sinabi ko rin naman na kung may shoot pa rin kami pagbalik, hindi na ako makakasunod. Okey lang naman sa kanya, and it's not big deal naman sa amin," saad niya.

Tila birong-totoo naman ni John na pag-uwi daw nila ni Priscilla ay siguradong na ikukuwento pa ng aktor sa girlfriend ang buong pelikula since hindi pa ganun ka-fluent sa Tagalog ang Brazilian beauty queen.

"Okey naman sa kanya. She understand a few... Pero, sigurado, lalo na mamaya, pag-uwi, kailangan kong i-translate lahat!" natatawa niyang sabi.

Source: PEP

No comments: