Mukhang taon ni Makisig Morales ngayon dahil pagkatapos ng bonggang exposure niya sa pelikulang Caregiver, may mga kasunod pang TV shows na gagawin ang batang singer-actor.
Speaking of Caregiver, nabalitaan naming as of yesterday ay may estimate gross na itong P15 million na kita from its nationwide screening.
Napaka-blessed nga raw ng feeling ni Makisig this year. Tuwang-tuwang ikinuwento nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang makapunta sa London at ang makatrabaho ang Megastar na si Sharon Cuneta ang mga pinakamagandang nangyari sa kanyang career ngayong taong ito.
"Sobra po! Sobra-sobra pa po sa mga iniisip ko na puwedeng mangyari sa akin," excited na kuwento pa nito sa PEP tungkol sa nangyari sa kanya ngayong taon. "'Yun nga pong makasama ko si Tita Mega, kasi po, yung nanay ko po, kahit noon pa po, idol na talaga niya si Tita Sharon. Hindi rin po siya makapaniwala na kasama ko na po sa movie," dagdag na bida pa ni Makisig nang makausap ng PEP after ng premiere night ng movie nila last Tuesday sa Megamall.
From a PEP source na taga-production ng ABS-CBN, nakarating sa amin na nagkaroon na ng meeting ang ilang TV execs ng istasyon kunsaan, pinag-usapan daw ang pagre-resume muli ng taping for Makisig's series, ang Utoy na for the first time ay makakasama ni Makisig ang Comedy King na si Dolphy.
Nakapagsimula na ng taping noon for Utoy, pero pansamantala itong natigil. Pero ayon nga sa PEP source, magre-resume na raw ito at kung walang mababago sa plano, baka raw end of June or early July ang pag-eere na ng Utoy at kung hindi rin mababago ay pang-primetime slot. Kasabay nito halos ang pagpapalabas din ng Dyosa naman ni Anne Curtis.
Bukod pa sa Utoy, tuloy na tuloy pa rin daw ang isa pang series ni Makisig. Ang kauna-unahang fantaserye na pinagbidahan nga niya, ang Super Inggo.
After ng Book 1, nasundan ito ng Super Inggo 1.5 which is, not really part of the Book 1 & 2, so, most likely raw, mga bandang end of 2008 na kapag umere ang Super Inggo na Book 2 naman.
GO MAKISIG MORALES, A TRUE BLOOD KAPAMILYA.
Source: PEP
Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kapamilya Breaking Buzzes
-
▼
2008
(207)
-
▼
May
(26)
- National Ambassador KC Concepcion helps raise awar...
- TV Ratings (May 27-29): AS USUAL GMA SHOWS TOPPLE ...
- KAPAMILYA BREAKING BUZZES
- No more Aga appearance in future Lea concerts
- It’s Jason Abalos for Christine Reyes
- A series of ex-lovers in “Maalaala Mo Kaya?” TONIGHT
- Billy now a full-blown ABS-CBN star
- Charice leaves today for first US solo show
- Robi and Nan Nominated for Eviction from PBB Teen ...
- Jericho Rosales and Kristine Hermosa reunite in an...
- Bangs Garcia: "Please lang, ayoko ng love triangle...
- Gary Valenciano will take a long break after silve...
- Makising Morales to do TV shows "Utoy" and "Super ...
- Sheryn Regis: Recession, calamity, and bickering p...
- Erik Santos admits to rumor that U.S. concert tour...
- Anne Curtis on rumored affair with Sam Milby: No r...
- The Cast of ABS-CBN’s ‘My Girl’
- Valerie Weignmann is Evicted from PBB Teen Edition...
- Two Pinoy singing talents continue to earn interna...
- Could Aga be the top choice to play Armando of the...
- Sharon Cuneta and Chito Roño felt nervous about CE...
- John Estrada happy for positive reviews of "Caregi...
- Sharon Cuneta becomes more emotional because of "C...
- Celebrities attend world premiere of "Caregiver"
- "Caregiver" receives "A" rating from Cinema Evalua...
- On ‘My Girl’: Jasmine and Julian cross paths
-
▼
May
(26)
No comments:
Post a Comment