Sino ang gusto ninyong makatuluyan ng nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis sa Primetime Bida?


Wednesday, May 28, 2008

Sharon Cuneta becomes more emotional because of "Caregiver"

Pagkatapos ng napakatagumpay na premiere night ng pelikulang Caregiver ng Star Cinema kagabi, May 27, sa SM Megamall ay dumiretso ang cast, production staff, at ilang celebrity guests sa late-dinner party sa Holiday Inn Hotel sa tabi ng Robinson's Galleria.

Ang naturang late-dinner party ay pinangunahan siyempre ng bida ng movie na si Sharon Cuneta, kasama ang kanyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan at ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Kinuha na rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon na makausap ang Megastar, na labis-labis ang kasiyahan pagkatapos ng very successful premiere ng Caregiver.

Hindi itinatanggi ni Sharon na ang Caregiver na yata among all her films ang naging sobra-sobra raw siyang emosyonal at iyakin. Ibang-iba rin daw ang naramdaman niya paakyat pa lang ng escalator ng SM Megamall.

"Talagang I cannot express po in words ang aking nararamdaman," umpisa ni Sharon. "Kung paano po ang aking puso... At talagang pagdating ko pa lang po ng Megamall... I had so may premieres for my past 30 years, but I never ever plan to any premiere, mine include, na sa escalator pa lang... I can't believe in one point, yung pagmamahal n'yo sa amin... Parang in my 30 years [in showbiz], itong gabing ito, kahit ito na ang huling gabi ng career ko, okay na po ako."

Pero biniro siya ng PEP na dahil sa ipinamalas niyang galing sa pag-arte sa Caregiver, mukhang kabaligtaran ng sinabi niyang huling gabi na ng career niya ang mangyayari. Instead, another beginning for her.

"Sabi ko nga... Ako naman, I take my things on the Lord. Whatever it is, whatever He wants me to be doing... Parang He makes it clear na not yet or something. So ako, I just don't want to lose my gratitude, my sense of gratitude. Kahit 30 years na ako rito, kahit kasing-respetado na ako nila Tita Boots Anson-Roa, Tita Anita Linda... Parang ako, I don't want to lose my sense of gratitude.

"Blessed ako kasi from the very beginning, mula sa production ng Star Cinema, kay Direk Chito Roño, sa lahat ng co-stars ko na yung iba hindi ko na kilala or ka-close... Para na lang hulog ng langit. Parang lahat tama. Lahat minahal ko. Minahal ako. Naging kaibigan ko. Ayaw matapos. Para ngang nagkakaroon pa ko ng separation anxiety hanggang ngayon," pahayag ng Megastar.

EMOTIONAL MEGASTAR. Hindi rin daw matapus-tapos ang mga bagay na nakakapag-iyak kay Sharon dahil sa sobrang kaligayahan kaugnay ng Caregiver. Isa na rito ay nang malaman niyang imbitado siya at ang pelikula nila sa 6th Paris Cinema International Film Festival na gaganapin sa July 1 to July 12.

"Ako talaga, bawat araw na dumating, bawat blessing na dumating... Like magte-text si Tita Malou [Santos, managing director of Star Cinema], ‘Ang ganda ng movie!' Naiyak na ako. Nag-uumpisa pa lang ang editing ni Direk, mamaya, magte-text sa akin na ‘Congratulation for Paris Film Festival for premiere that we we're chosen.' You know what, it's a great honor, apparently to be the gala opening night movie for the Paris Film Festival, naiiyak na naman ako," lahad niya.

Dagdag ni Sharon, maging sa lahat daw ng mga malls sa iba't ibang lugar—maging sa labas ng Manila—na nag-promo sila ay napapaiyak siya.

Bago ang premiere night, in-announce din na graded A by the Cinema Evaluation Board (CEB) ang Caregiver, at isa itong unanimous decision from 12-member panel. Ayon kay Sharon, isa pa raw yun sa mga blessing na dumating ng araw lang din na yun sa kanya.

"Yun pa ang isa!" sambit niya. "Kanina na naman, nag-text sa akin si Direk, sabi niya, ‘Neng...' yun kasi tawag nun sa akin, ‘unanimous daw ang decision ng lahat. Graded A ang movie!' Sabi ko, ‘Alam n'yo, Direk, ite-text ko pa lang kayo, kasi umaga na ako nagising.' Parang I want to say thank you before it gets ready, before the opening. Mami-miss ko si Direk..." at sa puntong ito, hindi na naman napigilan ni Sharon na maiyak.

"Hay...sorry, talagang iyakin ako! Sumobra pa ngayon!" bawi niya. "Pero mga kaibigan, talagang salamat po sa inyong lahat. You know what, I've never ever done...it never happened to me that I have a movie na ipinu-promote ko pa lang, pero ipinagpapasalamat ko na. Yung dibdib ko palagi, ayaw nang tumigil...Dyusko, ano ba ‘to? Hindi ko ma-describe!"

STAR-STUDDED PREMIERE. Hindi makapaniwala si Sharon na ang premiere night ng Caregiver na yata ang maiko-consider na nagkaroon ng pinakamaraming celebrities na nanood. Kaya itinanong ng PEP kay Sharon how does she feel sa suportang ibinigay sa kanya ng mga kapwa artista. Isa na nga rito ay ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na piniling manood ng premiere night ng movie niya, even though it was the eve of their wedding anniversary.

"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Sharon. "Oo nga, they came... Sabi nila maganda raw ang movie. Si Kuya Ipe [Phillip Salvador], he's such a good actor na parang siya ang una kong lalapitan para tanungin, ‘Kuya, okay ba?' Ang dami kong memory sa movie na ito."

First time lang din daw ni Sharon napanood ang kabuuan ng Caregiver kagabi. Hindi nga niya ikinaila kung gaano siya ka-proud sa Caregiver, kung saan nandoon daw talaga ang tatak ni Direk Chito Roño. Ani Sharon, nagustuhan daw niya na hindi masyadong nagpaka-showbiz ang pelikula. Touching ang mga eksena, pero hindi pinilit magpaiyak. Nandoon din daw ang realidad ng buhay, lalo na sa buhay mag-asawa.

Before the premiere night of Caregiver, nabanggit ni Sharon ang anak na si KC. Idine-dedicate daw niya ang naturang pelikula sa panganay na anak, na first time pa lang din nakapanood ng premiere night ng pelikula ng Megastar.

"First premiere, yes... Siyempre kapag bata, hindi ko talaga isinasama. ‘Tapos nag-aral siya sa Paris. Four and a half years akong walang pelikula. Siyempre, nagustuhan naman niya, she's very proud. Well, of course, anak ko ‘yan! Alam n'yo naman kami, mutual admiration society!" natatawang sabi ni Sharon.

Bukod sa asawa't panganay na anak ni Sharon, isa rin sa mga maaga pa lang na nakaupo sa loob ng sinehan ay ang kanyang butihing ina na si Mrs. Elaine Cuneta. Habang pinapanood daw nito ang movie ay hindi naiwasang maawa sa character ng kanyang anak at napaiyak din.

"Si Mommy naman, isa pa rin naman yun. Parang si KC din yun, kahit na ano'ng gawin ko, napakaganda ko! Napakagaling ko, wala nang mas gagaling pa sa akin!" tawa ulit ni Sharon.

"Si Mommy talaga... But you know, she's so excited to come and watch the premiere. And I'm so happy kasi bumubuti ang health niya, e. There are times, she can't even walk. I'm happy that my mom was there, my daughter was there. Tatlong henerasyon kami," saad ni Sharon.

Bagamat ilang sleepless nights na raw ang nararanasan niya bago ang premiere ng Caregiver, hindi pa rin daw makakatulog si Sharon dahil ngayong araw naman na ito, May 28, ang opening day ng pelikula niya.
Isang bagay raw na natutunan niya sa showbiz ang never na maging kampante. Pero aniya, kung may gusto man daw siyang mangyari, yun ay ang suportahan at panoorin ang pelikula nila ng kapwa Filipino—caregiver man o hindi, may kilala o wala man na OFW—dahil aniya, ang pinaka-naging goal daw nila ni Direk Chito sa pelikulang ito ay ang maitaas pa ang antas ng pelikulang Pilipino.


Source: PEP

No comments: