Mapapanood na nga si Mariel Rodriguez bilang superhero na si Varga sa Sabado, August 2, kunsaan, sa pilot episode nito ay back-to-back sila ng Kapitan Boom na magpe-farewell episode naman. Ang eksena raw ay tila magkakaroon ng pagsasalin ng tungkulin sa dalawang superhero para si Varga naman ang magpatuloy ng pagliligtas sa mundo.
PRESSURED WITH VARGA. Aminado si Mariel na may pressure siyang nararamdaman now that ABS-CBN is launching her as an actress at sa isang superhero role pa.
"Siyempre may pressure kasi, Kapitan Boom did so well. So, I want it also to do well. And I'm so grateful sa trust na ibinigay ng ABS-CBN, si Sir Deo [Endrinal]...so, I don't want to let them down. And also sina Direk Trina Dayrit, Direk Dondon Santos, they've been working so hard talaga and they've been so nice. So, masaya talaga kami kapag nagte-taping," ani Mariel nang makausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
May plano raw yatang "Kapitan Boom meets Varga"?
"Thats what they should watch sa August 2, kung paano yung pagkikita nila," excited niyang sabi.
Hindi naman daw siya nahihirapan sa mga fight scenes niya dahil prior to their taping, nag-aral daw siya ng martial arts at nakatulong din daw ang naging experience niya ng six months doing the drama series na Rouge sa Singapore, way back 2004 noong nasa MTV pa siya.
Bagama't mas naunang ginawa ni Mars Ravelo ang character na Varga sa Darna, hindi maitatangging ang huli ang mas popular among his female superhero. Pero, sey nga ni Mariel, sana nga raw ay maka-level din ang Varga sa Darna.
Sana...sana, di ba? Pero hindi naman natin maaano si Darna, kasi, matagal na naman siyang na-establish. Matagal na siyang legend na si Darna, di ba?
IT'S STILL MARIEL. Hindi lingid sa lahat na during her stint as guest housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, nagkaroon siya ng negative image sa publiko. By doing a superhero role now, hindi naman daw niya iniisip na rason ito para tuluyan na ngang mabura sa isipan ng mga manonood ang anumang nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya.
"I dont know, e, and I think, yung mga nangyari dun, honestly, I don't think that my image changed. It's still me. So, kung mabubura...okey lang kahit hindi. Kasi, pinagdaanan yun ng career ko, e. Pinagdaanan yun ng lahat ng tao, so, bakit ko yun iibahin?"
NO CONFLICT WITH WOWOWEE. Nagkakaroon ng impression na kapag co-host ng Wowowee, since it's a daily noontime show, tila nagkakaroon ng limitasyon ang mga co-host dito na tumanggap ng ibang shows, especially if it's a series. Hindi raw ba talaga nagkaroon ng conflict sa Wowowee na may Varga na siya?
"E, kasi, every time po na nagte-tape ako, katulad kanina, natapos po ako ng 5 a.m., nasa Wowowee pa rin ako. It's never an excuse. And when I'm there, sa stage, I never showed na parang lutang ako, na parang kung anu-ano na lang ang sinasabi ko sa show.
"I think, it depends on how you handle it. Yung wala silang masasabi sa ‘yo. Yung wala silang maipipintas. Na, ‘E, kasi puyat, e, kaya lutang!' So, kailangan mapanindigan niya yun."
Mariel was asked, kung may basbas daw ba ni Willie yung pagsusuot niya ng sexy costume?
Oh, no... I don't think so. I don't think he was actually, parang.... Hindi ko naman po manager si Papi, di ba? Si Tito Boy [Abunda, her manager], may blessing po niya."
ZANJOE MARUDO. When it comes to her relationship with Zanjoe, wala raw silang sine-celebrate na mga "monthsary." Kasi hindi raw nila alam kung kailan nila masasabing one year na pala silang mag-sweetheart.
"No, we don't have that! Kami na...kasi, wala naman siyang iba, wala naman akong iba. So, ano pa ba? I have a time naman, its timeless, Ha-ha-ha! Kasi, walang ganunan. And every day is anniversary," natatawa niyang sabi.
Sinagot din ni Mariel ang usap-usapang nagli-live-in na raw silang dalawa ni Zanjoe.
Aniya, "I dont know! Maybe kasi, I also had an issue that I had an abortion, so, maybe, that's the next best thing, pero no, thats not true."
Sey pa ni Mariel, siya raw ay sa Wack-Wack, Mandaluyong City, pa rin umuuwi at si Zanjoe naman ay sa Valle Verde, Pasig City. But if ever, pabor ba siya sa live-in arrangement?
"I dont know...I never really thought about it. Whatever floats your boat. Kung gagawin mo yun, dapat you're comfortable with it. Kailangan yung family mo, comfortable sila sa ganoon or whatever at saka... Mahirap kasi, we're in showbiz. So, people will judge. People will speculate, di ba?"
But would she say na si Zanjoe na nga talaga ang man for her?
"I think, it's too early to tell. I'm only 24 pa lang," very Mariel pa niyang sabi.
Source: PEP